“Sana imbes na maghanap kayo ng mali sa amin, ng kapintasan sa amin, e, sana humarap din muna kayo sa salamin. Kasi pare-pareho tayo na hindi tayo perpekto. Lahat tayo nagkakamali,” say ni Maine Mendoza sa kanyang bashers.
Naintindihan namin si Maine. Kaliwa’t kanang bash kasi ang inaabot niya.
Pero nang makita namin ang past Twitter post niya na na-capture ng isang Facebook fan page ay hindi kami makapaniwala na pinintasan niya si Enchong Dee.
“Chura ni Enchong. Di ako naggawapuhan sakanya,” said Maine Mendoza on her Twitter account sometime in 2010.
Yes, six years ago na ang tweet pero hindi naman maikakailang marami ang na-turn off kay Maine.
What if baliktarin natin ang senaryo at si Enchong Dee ang nag-tweet na ‘Chura ni Maine. Di ako nagagandahan sa kanya’, ano kaya ang magiging reaction ng AlDub fans? Siyempre, kaliwa’t kanang bash ang aabutin ni Enchong, ‘di ba? Alam n’yo naman ang AlDub fans, hindi lang sila mga idiot, mga walang kaluluwa at walang konsensiya ang mga iyan.
At siyempre pa, ang mga bayarang ng AlDub na pinaglaba lang ay nagsulat na, kukuyugin din nila ng lait si Enchong, right?
“Hoi! Yaya GUMS? Baguhan ka palang sa Showbiz wag kang feeling dyan… Wala ka namang matatawag na totoong talent magluto ka nalang.”
“Hala grabe makapanlait biglang sumikat ganyan kna,di nman kagandahan,ngayon lang gumanda simula ng sumikat…Duh sabi mo pa nga Maine na manalamin muna bago manghusga..Nilamon mo rin sinabi mo.”
“kung susumahin nga kamukha mo yung dalawang star magic talent kaso super layo ng ugali nila sayo dahil sila di sila nanghuhusga ng hitsura ng Tao eh ikaw na uglyful ganyan na nga ang mukha mo wagas ka pa manghusga tsaka wag mong minamaliit si enchong dahil sya nakagawa na ng movie at teleserye eh ikaw mukhang hanggang endorser at eat bulaga ang playground mo wala kang ibang environment kundi dyan lang ni wala ka pa ngang teleserye na starring role ang papel mo eh yung nilalait mo nkailan na.”
Ilan lang yan sa mga reactions na nabasa namin against Maine.
‘Yan ang ilan sa mga reaksyon sa nasabing tweet ni Maine.
But there’s one who defended Maine and said, “I find this funny cnbi lng na hnd nggwapuhan bash agad? Hnd b pwdng opinyon nya un? Ang bash ung may pang lalait like mukang bayawak tpos jul 12 2010 pa to. Hakot n hakot xD not a fan. Ntwa lng tlga ako.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas