LOVE ko na si Maine Mendoza after niyang ipahayag na oks sa kanya ang same-sex marriage.
Nang mabasa ko sa kaibigang Ruel Mendoza ang tungkol sa LGBT concern ng ka-partner ni Alden Richards, alam kong mas lalo siya mamahalin ng LGBT community.
Iyon ay kung totoo at bukal sa loob niya na naniniwala siya na “bawat isa ay may karapatang magmahalan na mauuwi sa isang pag-iisang dibdib.”
Say ng dalaga, “Love is gender-blind. Lahat ng tao, kahit anong kasarian, may karapatang magmahal kung sino man ang gusto nilang mahalin. Hindi ko ma-gets bakit hindi s’ya tanggap ng iba.”
“We should be allowed to do the things that make us happy, especially if we aren’t hurting other people,” katuwiran pa ng bida ng teleseryeng “Destined To Be Yours” sa isyu ng same-sex marriage na kinakampihan niya at inaayunan.
Hindi lang si Sinag, name ng karakter ni Maine sa serye nila ni Alden, ang may ganitong paniniwala.
With the likes of international celebrities tulad nina Brad Pitt, Beyoncé, Justin Timberlake, Kanye West, at marami pang-iba, tama lang ang nilalandas at position ni Maine sa issue.
Sa mga LGBT friends ko and communities natin, may kakampi tayo sa isang tulad ni Maine.
Mabuhay ka, my dear!