Maine Mendoza, pinataob na ng mga amateur singer

Maine Mendoza, pinataob na ng mga amateur singerOver the past week, naging paksa ng diskurso among reporters ang magkakasunod na pag-arangkada sa ratings ng “It’s Showtime”. Collectively, ang itinuturo nilang culprit ay dahil  “nagkaboses” na ang dating mute na si Maine Mendoza, thus na-dissipate ang interest ng viewers.

Our apologies, but we don’t share similar observation. Feeling lang namin (we repeat, feeling lang but make it strong!), ang segment ng “It’s Showtime” na ‘Tawag ng Tanghalan’—historically the mother of all amateur singing competitions on TV—is a no-nonsense refreshing breather from all the pa-cute, if not the pabebe, capers that the audience is slowly getting tired of.

Samantala, isang private message ang tinanggap namin mula kay Aaron Domingo ng ABS-CBN CorpComm proudly announcing the January 24 ratings ng magkalabang Sunday show: “ASAP” (14.6%) versus “Sunday PinaSaya” (13.7 %).

Bumalik na ba ang natural penchant nating mga Pinoy sa mga panoorin which showcase genuine talent such as singing? “ASAP”, of course, is like a big music hall that assembles the country’s premiere singers.

At kung naapektuhan man ang ratings nito with the emergence of its rival show na maihahalintulad naman sa isang malawak na comedy bar, with the latest indicators—ang panunumbalik ng sigla ng “It’s Showtime” at “ASAP”—aba, this must be sending a very clear message!

KILIG SERYE noon, kilig movie na ngayon.

Sa mga in love diyan, dating na-in love at mai-in love in the future, this one’s for you. Kung kinagiliwan noon ang unang limang season ng “Wattpad Presents”—with a tale of romance told from Mondays to Fridays—brace yourselves as it slips into a whole new kind of romantic experience na sa isang bigay lang mapapanood.

Simula February 6, the series that the lovestruck had grown fond of—based on popular romance books—ay isa’t kalahating oras nang matutunghayan (9 to 10:30 pm). At bakit? Mismong ang masugid na nitong mga tagasubaybay couldn’t get enough of the once putul-putol, bitin-to-the-max airing, hence TV5 and Viva TV deemed it best na wakasan na ang viewing inconvenience na ito at gawing wakasan ang bawat aklat ng pag-ibig.

Sa pagbabagong magaganap which will significantly alter the viewing habits of its loyal fans, patuloy pa rin ang pagbabalandra nito ng mga catchy titles.

Hindi lang “Wattapad Presents” TV Movie ang kaabang-abang sa petsang ‘yon as TV5-Viva TV gears up for a totally new programming mula sa “Born To Be a Star” (7 pm), “Tasya Fantasya” (8 pm), “Wattpad”, at “MTV Top 20 Pilipinas”.

Aber, maglilipat ka pa ba ng channel pagsapit ng Sabado ng gabi?!

THIS SUNDAY’S episode of Ismol Family proves na hindi lang mga pulitiko sa bansa ang “epal”, even Mama A (Carmi Martin) is one herself. Problema ito ni Jingo sa kanilang buhay-may-asawa nila ni Majay, with matching sulsol pa from Bobong and Lance.

Kabubukas pa lang kasi ng kanilang Oh Apol BEKI AND BIKE business ay nangingialam na agad si Mama A.

Samantala, nabukelya na nina Krippy, Yakki, Dianne, at Jackie ang lihim nina Yumi at Ethan. At teka, mukhang mamba-blackmail pa yata ang apat na dugyot.

Guguluhin naman sina Bernie at Amboy ng ex ni Amboy na si Zandro. Teka, dyeling ba si Bernie? Tinamaan na ba talaga ang baklita?

Heto pa, tuloy si Majay sa pagiging service crew. Lumakas tuloy ang kanilang Apple Pie shop. May mga humingi pa ng cellphone number niya, pero ang ibinigay ni Majay ay ang number ni Jingo. Ano kaya ang reaksiyon ni Jingo lalo pa’t ipinagkakalat ni Mama A na pinsan ni Jingo si Majay at hindi asawa?

Don’t miss another riot episode only sa top-rating na Ismol Family ngayong Linggo sa GMA 7.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous article‘Pag hindi nagbayad, absent!
Next articleKiray Celis, bida na rin sa wakas sa pelikulang “Love Is Blind”

No posts to display