TO THE RESCUE si Maine Mendoza sa isyung kinasasangkutan ngayon ng boyfriend niyang si Arjo Atayde na naka-confine sa isang hospital sa San Juan pagkatapos magpositibo sa covid-19 habang nagsusyuting ng pelikula sa Baguio City.
Ipinagtanggol ni Maine ang kasintahan sa mga bashers na bumabatikos dito at iginiit na hindi totoong kinukonsinte at kinakampihan niya si Arjo sa controversial isyung kinakaharap nito ngayon na may kaugnayan sa paglabag sa health protocols.
Ani Maine, “Hello! I am not ‘tolerating’ him but there’s just so much you do not know about the story.”
Dahil naka-confine pa sa hospital para magpagaling kaya hindi pa personal na nagbibigay ng pahayag si Arjo sa totoong nangyari. Nanawagan din si Maine sa mga netizens na huwag sana nilang ibase ang kanilang judgment sa pamamagitan ng mga nababasa lamang nila sa social media.
“Because you might just be seeing an angle of the real scenario,” rason pa ni Maine.
Matatandaang kaagad ding nag-isyu ng official statement ang production team ni Arjo pagkatapos lumabas ang balita na kahit positibo sa covid virus ay umalis pa rin ng Baguio si Arjo para bumaba ng Maynila at magpa-ospital.
“Arjo Atayde tested positive for COVID-19 as shooting for his new film culminated in Baguio last August 16. Arjo was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing.
“It was the mutual decision of Feelmaking Productions Inc., Arjo’s parents, and doctors to rush the actor, who has a pre-existing medical condition, straight to a hospital in Manila on August 17.
“We have provided assistance for nine others who tested positive for COVID-19 but are asymptomatic and are currently in quarantine. We have likewise coordinated with the local officials for the necessary safety protocols.
“The Atayde family has reached out to Mayor Benjamin Magalong and we assure him and the people of Baguio that we will comply with our commitments to the City. We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused.
“We request for prayers for the speedy recovery of Arjo and the nine who tested positive,” laman ng official statement ng Feelmaking Productions.