INUWI NG dalawang hottest young Kapamilya stars na sina Maja Salvador at Paulo Avelino ang pinakamalalaking karangalan mula sa nakaraang 2012 Gawad Urian. Maja won the Best Actress award for her sterling performance in the indie film Thelma samantalang si Paulo naman ang nanalong Best Actor para sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.
Maja belongs to showbiz royalty kaya hindi kataka-takang may angking galing din siya sa pag-arte. I still remember my interview with the young Maja in her very first television appearance on The Buzz. Ito rin ang nagbukas ng pinto para sa kanya sa mundo ng showbiz. We also covered the meeting of Maja and her late father, Ross Rival.
Mula sa pagiging Dance Princess, Maja has evolved into one of the country’s best young actresses. In Thelma, Maja plays an Ilocana lass who has a gift of speed which opens doors of opportunities for her.
In her live interview on The Buzz, Maja could not stop her tears as she offered her award to her father. “Siya rin po ang dahilan kung bakit ako nandito. Siya ang bumuhay sa akin, siya ang bumuo sa akin. Kaya rin po ako nanalo ng award na iyan dahil sa dugo kong Salvador. Nagpapasalamat po ako nang marami dahil alam ko naman na kahit nandoon na siya, alam kong proud po siya sa akin.”
Dagdag pa niya, “Hindi ko po naririnig na sabihin niya pero ramdam ko naman po [na proud siya sa akin]. Alam kong isa siya sa nakiusap sa Diyos na ibigay ang award na iyan sa akin.”
Samantala, humakot ng pitong awards sa nakaraang Gawad Urian ang indie film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa kung saan gumanap si Paulo bilang Marlon who is attracted to his literature professor (Jean Garcia). When he discovers that she is also a dance teacher and choreographer, he asks his classmate who is an assistant in the dance studio (Rocco Nacino) to teach him first the dances that she teaches in her classes before he enrolls.
According to ABS-CBN news.com, Paulo is inspired to do more independent films. Paliwanag niya, “Malaya kang i-express iyong gusto mong gawin sa character mo kapag indie. I’m looking forward to do a few more films this year.”
Tapos na siyang magsayaw pero hindi nagtatapos sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ang pagpapakita ni Paulo ng kanyang husay sa acting dahil gabi-gabi niyang pinapahanga ang mga manonood bilang si Nathan sa teleseryeng Walang Hanggan.
Congratulations, Maja and Paulo!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda