Nasa Candelaria, Quezon kami noong Miyerkules kasama ang ilang mga kapatid sa hanap-buhay para sa promo ng Sister’s napkins mula sa Megasoft ni Maja Salvador.
Ring nang ring ang cellphone ko at hindi ko ito masagot. Binasa ko na lang ang message na nagsasabing urgent daw ang tawag at nagbabalita na tuloy na ang pagsasama nina Maja at Jun Pyo sa isang commercial. Balitang-balita raw ito sa Korea at Hongkong, sa mga tabliods na nabibili sa sidewalks.
Ang sabi sa akin ng tumawag (nagkataong siya pala ang nagne-negotiate ng nabanggit na TV commercial,) huwag ko raw munang isulat at baka mapre-empt. Pero, kung nakalagay na ito sa ilang tabloids sa Hongkong at Korea, madali itong mag-spread maging dito sa ‘Pinas kaya kukumpirmahin ko na lang na totoong may negotiation ngang niluluto. Ang problema ay magkaiba ang brand ng inumin na kasalukuyang ini-endorse nila.
Sinusubukan din daw nila na ituloy ang negosasyon. Puwede naman daw kasing ibang produkto na lang ang pagsamahan nila. Iyong walang conflict. Sayang naman daw ang nagastos nila sa nego kung hindi matutuloy.
Mai-imagine n’yo ba ang hitsura ng inyong lingkod na nakikipag-usap sa cel habang nasa gitna ng naghihiyawang fans sa tapat ng Sioland. Tama po ang inyong nabasa. Sio pala ang family name ng may-ari ng department store, si Bishop Ricardo Sio, Mrs. Elizabeth Sio, and their children Kathleen, Emerson, Kharen, Erwin at Eric Sio.
Sa totoo lang, hindi ko masyadong napapanood ang Boys Over Flowers na sikat na sikat nga raw maging dito sa ating bansa. Nasa labas tayo lagi sa mga oras na iyon. Pero, ang mga kasama kong naiiwan sa bahay ay naghiyawan nang banggitin ko ang project. Actually, natulala din si Maja dahil iyon pala ang project na ibinabalita ko sa kanya. Hindi lang namin alam pareho na si Jun Pyo pala ang binabanggit ng kausap ko na Korean actor na makakasama ni Maja sa mga billboards. Inililihim namang talaga ito hanggang sa maluto ang nego. Pero, sa hindi inaasahang pangyayari, lumigwak bigla.
DAHIL MEDYO ANG tagal-tagal na rin naming hindi nagkikita at nagkakausap ni Maja, noon ko lang nalaman ang location ng P10-M na bagong bahay niya. Hindi kalayuan sa dating bahay niya sa Green meadows. Kung natuwa siya noong makuha niya ang cute na bahay sa Green Meadows, doble-doble ang saya niya sa inaakala niyang dream house na reality na ngayon. Ganu’n din ang paglipat niya sa Jelly Bean, which is a sister company ng Folded and Hang. Tuloy rin pala ang bago niyang soap (Nagsimula Sa Puso) with Coco Martin, Jason Abalos and Nikki Gil.
Naisisingit pa rin niya ang mall tours para sa Sister’s Napkins na ayon kay Aileen Go, VP-Finance ng Megasoft ay patok na patok hindi lamang sa mga estudyante, kungdi sa mga nanay at tatay ng mga estudyanteng ito.
Hindi rin nakakatanggi si Madam Aileen kapag humihirit si Maja ng donasyon para sa mga maysakit na tinutulungan nila ni Dennis Laurel. Cancer patient daw itong latest. Actually, hindi nag-aksaya ng oras si Maja nang mga sandaling iyon at tinawagan ang bespren niya. Maluha-luha siya habang nagpapasalamat kay Aileen at sa ating Panginoon.
Actually, hindi rin tumanggi si Madam Nikki ng Banana Peel na tumulong din sa magandang adhikain ng kanilang product endorser for three straight years na ngayon.
Through this column, ipinaalam din ni Maja na hindi matutuloy ang pagso-show niya sa Los Angeles, California sa Oct. 29 at 30 dahil sa rami ng mga commitments niya dito. Ayaw niya kasing malungkot ang mga dating sponsors ng show lalo na ang kaibigan niyang show producer na si John Ling.
BULL Chit!
by Chit Ramos