MAJA SALVADOR level up as she conquers the concert in “Maj The Legal Performer” on July 2, 2014 at the Music Museum. This will be a night of pure entertainment with exhilarating performances with guests artists Rayver Cruz, Enchong Dee, Enrique Gil and Piolo Pascual under the direction of Mr. Johnny Manahan.
Binigyang-linaw ni Maja kung bakit ayaw niyang makatrabaho ang boyfriend niyang si Gerald Anderson. Sa umpisa pa lamang ng kanilang relationship bago naging sila, pinag-usapan na nila ang bagay na ito.
“Gusto naming ihiwalay ‘yung relasyon sa trabaho para makapagtrabaho nang maigi. Kasi may kanya-kanya naman kaming dapat gawin para mas tahimik at mas maayos ang relationship. Kung maigay, maraming puwedeng mangyari. Kapag tahimik, palagi kayong nanghuhula kung ano na ang nangyayari sa relationship naming dalawa,” paliwanag niya.
Kakaiba ang drama nina Maja at Gerald. Ang ibang couple, gusto nilang makatrabaho ang kanilang minamahal.
“Dati, gusto ko siyang makatrabaho, ‘yun nga baka may mga pagbabagong darating. He’s my lucky charm. Ayaw naming i-take ‘yung risk dahil ang ganda na ng takbo ng relationship. Okay na nang ganito, so ayaw naming haluan… pareho na kasi kaming nasa showbusiness. Tapos ‘yung relationship namin kung ipapasok pa namin ‘yun hindi natin alam kung ano ang mangyari. Happy na kami sa takbo ng relasyon namin,” say ni Maja.
Siyempre, excited si Gerald sa first solo concert ng kanyang girlfriend na si Maja. Todo nga raw ang support nito sa dalaga. “Pa-joke na sabi nya, ‘Gusto mo bang sumayaw ako sa concert mo?’ Kaya nga lang, busy siya sa taping,” banggit pa ng actress/ singer.
Kahit madalang lang magkita sina Maja at Gerald, nagkakausap naman sila thru cellphone. Hindi nawawala ang cummunication nila sa isa’t isa. “‘Yun nga ang maganda, pareho kaming artista. Alam naming halos wala kaming oras na magkita. Siyempre, ang pinaka-priority ay ang trabaho namin. Sa ASAP nagkikita kami after.”
Reaction ni Maja sa love relationship nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo? “Oo naman, let’s be all happy,” matipid na sagot niya sa amin.
Pati nga sa pagsasama nina Kim Chiu at Gerald sa isang commercial ay kinuha namin ang comment ni Maja. “Alam ko ‘yun, I’m very happy na magkatrabaho sila dahil ang dami nilang fans. Para sa akin, napakaimportante na napagbibigyan ang mga fans. Kasi nga, ang laki ng utang na loob nila sa fans. So, happy ako na okay silang magkatrabaho.”
Ayaw namang mag-react ni Maja sa mga fans nina Gerald at Kim na binabanatan siya. Mas maganda raw manahimik na lang at huwag nang pansin.
Kumusta naman kayo ni Kim? “Okay na kami, nagkakausap kami lagi sa ASAP. Lagi ko siyang kasayaw. Wala lang kaming text pero kung papaano kami magtsikahan, magtawanan sa ASAP, ganu’n po. Lahat positive tayo kaya marami tayong blessing. Siyempre, may mga changes, in time siguro. Happy na ako na nag-uusap kami, pero ayaw kong ipilit kung anuman ‘yung dati. Kung magtawanan kami, parang walang naging issue.”
Buong pagmamalaking ibinida ni Maja kung paano siya suportahan ni Gerald. “Kahit sumayaw ako, mag-tumbling, mag-kontrabida, nand’yan siya to support me.”
Sa totoo lang, almost sold out na ang tickets ni Maja sa kanyang first ever solo concert. Ayon kay Thess Gubi, 80 percent of the tickets ay sold na kaya’t ngayon pa lang, masasabing magiging big success ang concert ni Maja Salvador.
Maihahanay kaya ni Maja ang sarili kay Anne Curtis as total performer? “Grabe naman, may kanya-kanya kaming style. Pero para i-compare ako kay Anne, isang malaking karangan ‘yun. Nakapag-concert na siya sa Araneta, sold out pa. Para sa akin, hindi ka dapat maging isang magaling na singer or maging isang magaling na dancer. Kanya-kanya tayo ng way ng pag-i-entertain ng tao. Sobrang bow ko kay Anne kung papaano siya mag-concert. Itong last concert niya, confident na siyang kumanta. Maayos na. Siyempre, pangarap ko ring makapag-concert sa Araneta.”
Para kay Maja, priority niya ang pag-aartista. Pangalawa lamang ang kanyang personal life. Marami pa siyang gustong gawin at pinapangarap kaya’t hindi niya iniisip o napag-uusapan ni Gerald ang tungkol sa kasal. “Magtatagal ako sa showbusiness. Marami pa akong pangarap na gustong matupad. Sana magkaroon ako ng sarili kong business, laging ‘yun. Believe, it could happen.
“Sa lahat ng bagay dapat paniwalaan mong kaya mo, mangyayari’t mangyayari ‘yun. Basta lang maging positive tayo sa buhay. Ako, kahit ano ang nangyari sa buhay ko, laging positive lang ako sa lahat ng anggulo kaya babalik ‘yun sa ‘yo, ‘yung pagiging positive mo,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield