TINGNAN N’YO NAMAN ‘yan, may solo teleserye na pala si Maja Salvador na pinagkakaabalahan ngayon. At dalawa pa ang leading men na mag-aagawan sa kanya, sina Jason Abalos at Coco Martin.
Ang titulo ng teleserye ay Nagmula Sa Puso. Hindi ko lang matandaan kung ito din ang titulo ng isang teleserye na ginawa ni Judy Ann Santos noon hindi lamang ito matagumpay, kungdi umabot pa nang mahigit isang taon bago nagwakas. May nagsabi namang Hilda Koronel starrer daw ito noon sa pelikula.
Iyon pala ang dahilan, kung bakit hindi madalas mapanood ang Dance Princess sa May Bukas Pa. Hindi ito naiba sa unang teleseryeng ginawa ni Maja for ABS-CBN din noon. Hindi niya nakuha pang tapusin ang It Might Be You with John Lloyd Cruz, Bea Alonzo and John Prats dahil pina-umpisahan na agad sa kanya ang fantaseryeng Spirit kung saan pinag-agawan siya nina Rayver at John Wayne Sace na dinerek ni Chito Roño.
Halos ganu’n din ang kapalaran ni Coco. Hindi pa rin niya natatapos ang Tayong Dalawa na madalas sabihing “Tayong Tatlo” na ngayon dahil, nakakaagaw talaga siya ng eksena kina Gerald Anderson at Jake Cuenca sa atensyon ng televiewers. Mas pinag-uusapan siya kesehodang bold star daw siya noon. Hindi nabawasan ang pogi points ng alaga ng kaibigang Biboy Arboleda.
Actually, abala rin si Coco ngayon sa pag-aaral ng arnis dahil ito ang panlaban niya sa mga kalaban ni Elias Paniki.
Isa sa apat na pelikulang tinampukan ni Ramon Revilla, Sr. ang Elias at ganu’n na lamang ang paghahandang ginagawa niya dahil ayaw niyang mapahiya sa kanyang idolo. Itinuturing na isang malaking karangalan ni Coco ang gumanap sa pelikulang naging malaking hit sa takilya noon.
As if hindi panga sapat ang suwerteng dumarating sa kanya, narito pa ang Nasaan Ka, Maruja na napapanood ngayon tuwing Sabado. Katambal din niya si Maja.
Tingnan nga natin kung may chemistry sina Maja at Coco. Parang hirap ang Kapamilya network na makahanap ng isang leading man na tamang-tama para sa pamangkin ni Philip Salvador.
Si Coco na kaya iyon?
“AKALA KO, PATAY na ako!”
Nasabi ito ni Diether Ocampo nang magkamalay siya pagkatapos mag-collapse sa rehearsals ng show na ginanap sa San Francisco Calif, kalian lang. Nasilaw kasi siya sa ilaw nang magmulat siya ng kanyang mga mata.
“Dalawang doctor ang kinunsulta ko sa States para matiyak ang lagay ko. They assured me that I was okay and that I had an athlete’s heart. Pero, kahit ganu’n ako katibay, kailangan din daw akong magpreno, magpahinga. The same din ang nasabi sa akin when I came home ng dalawa pang doctor na nag-check up uli sa akin,” payahag niya sa presscon na ginanap sa Pizza Hut.
“I was so thankful to God that He gave me another chance to live and I told myself na kailangan kong i-assess ang sarili ko at bigyan ng buhay ang chnce na ito.
Naalaala din ni Diether ang pamamaril noon sa kanyang condo ng mga hindi niya kilalang tao.
“Nang mangyari iyon, galit na galit ako at gusto kong gumanti. Gusto ko silang hanapin at tanungin kung bakit gusto nila akong mawala sa mundong ito. Sa amin sa Cavite, hinarap ng isang Caviteño ang kalaban, hindi niya tinatraydor. Kung ngayon ito nangyari, unang papasok sa isip ko ay bakit? May kasalanan ba ako sa kanila? Atraso? May reason kung bakit nangyari iyon noon, same with what happened in San Francisco.
“May reason din kung bakit dumating sa buhay ko si Reema (Ostwani). Hindi lang niya ako in-inspire kundi inalalayan pa. She’s so intelligent (Cum Laude sa La Salle in International Relations), so caring and loving. May breeding, class, at kahit may lahing Spanish at Syrian, may katiting din siyang Pinoy blood kaya siya nandito sa ating bayan.”
Hindi man tuwirang sabihin ni Diether, si Reema na nga ang babaeng gusto niyang makasama habang-buhay. Sa mga ipinagtapat niya, wala na ngang hihigit pa kay Reema kung ikukumpara sa mga babaing nagdaan sa kanyang buhay.
BULL Chit!
by Chit Ramos