HINDI LANG isang aktres kundi isang ganap na singer na rin ngayon si Maja Salvador!
Tapos na tapos na ang first ever record album ng aktres entitled Believe na produced ng Ivory Records.
Nakatakda itong i-launch sa ASAP 19 sa March 30 kung saan kakantahin ni Maja ang carrier single nitong Dahan-Dahan with matching music video na ang leading man n’ya ay si Carlo Romero ng Pinoy Big Brother: Unlimited Edition noong 2005 at artista na rin at commercial model.
Hindi pa sigurado kung makakasama ni Maja ang boyfriend n’yang si Gerald Anderson sa isa sa mga susunod na gagawin n’yang music video ng isa sa lima pang mga kanta na nakapaloob sa album n’ya, dahil hectic daw talaga ang schedule ng aktor ngayon sa taping ng Dyesebel, with Anne Curtis, Andi Eigenmann and Sam Milby, at iba nitong mga proyekto.
Anim ang laman ng Believe album ni Maja, including two revivals, ang Wala Na Bang Pag-ibig na pinasikat ni Jaya at ang hit single noong araw ni Regine Velasquez na Urong Sulong.
Wala raw ibang dahilan kung bakit kasama ang dalawang mga kanta sa album ni Maja at kung bakit paborito raw n’ya ang mga itong kantahin kapag magbi-videoke sila ng mga kaibigan n’ya at sa mga karaketan o out of town shows.
Dahil sa kantang Wala Na bang Pag-ibig kaya nadiscover si Maja ng big boss ng Ivory Records, dahil ipinakita raw ng mga staff nito sa kanya ang video ng aktres na kumakanta ng nasabing kanta sa isang show n’ya sa isang probinsya na in-upload ng isang tagahanga n’ya sa YouTube.
Naging interesado raw ang bossing ng nasabing record label sa pagkakanta ni Maja at sinabing may boses ito at talaga naman daw nakasasabay sa tono, in fairness, ayon sa kaibigan nito na nakatsikahan namin.
Kaya naman daw may naganap agad na meeting sa pagitan ng Ivory Records at Star Magic na nangangalaga sa karera ni Maja. Since wala naman daw naging problema sa Star Records ng Kapamilya Network kung magsa-sign up ng kontrata si Maja sa ibang record company, nag-materialize agad ang lahat.
May collaboration sa kanyang album si Maja at si Abra thru the song, Halika Na.
May isa rin daw composition si Maja, a.k.a. Nicole ng teleseryeng The Legal Wife, ang kantang Buong Gabi na nilapatan daw ng musika ng kanyang album producer na si Jonathan Ong.
May album launching din daw si Maja sa Tri Noma mall on March 30 in the afternoon after ASAP 19.
NA-SAD NAMAN kami na final week na rin pala ng isa sa mga paborito naming high-rating teleserye ng ABS-CBN sa hapon na Galema: Anak ni Zuma na pinagbibidahan nina Andi Eigenmann at Matteo Guduicelli, at directed by one of my favorite directors, and box-office at blockbuster director na si Wenn Deramas.
S’yempre, bukod kay Baby Matteo na napakaguwapo at ang ganda ng katawan, mami-miss din namin ang aming long-time crush na si Papa Dante Ponce, na dating model at balladeer kasabayan nina Calvin Millado at Ariel Rivera during the 90s, na pagbalik dito sa ‘Pinas from the States ay sumabak na sa muling pag-arte via Galema bilang si Gen. Roger Barredo na tumutugis kay Zuma.
Daddy-daddy na simpatiko, guwapo at yummy pa rin kasi ang dating ni Papa Dante, kahit 20 years s’yang nawala sa showbiz industry nang mag-asawa s’ya at mag-migrate sa Amerika.
Kaya naman tuwang-tuwa kami nang una naming mapanood ang model-turned-singer-actor sa seryeng Galema na naging professional photographer din sa US.
Kaaliw nga ang mga pino-post ng mga pictures ni Papa Dante sa kanyang Facbook account na masasayang kuha nila in-between takes sa Galema.
Kaya huwag nating palampasin ang mga nalalabi at kapana-panabik pa ring mga eksena sa huling linggo ng Galema: Anank ni Zuma next week.
Franz 2 U
by Francis Simeon