FOLLOWING GERALD Anderson’s admission ay walang takot na ring inamin ni Maja Salvador sa publiko that they are officially a couple. “He is worth fighting for,” declared Maja sa ami-ng panayam sa kanya sa The Buzz. She is happy and you could “smell” it a mile away.
Nagpapasalamat ako kay Maja dahil sa kanyang patuloy na pagtitiwala na ibahagi sa amin ang bawat kabanata ng kanyang buhay. I still remember my interview with the 14-year old Maja in her very first television appearance on The Buzz. Ito ang nagbukas ng pinto para sa kanya sa mundo ng showbiz. We also covered the meeting of Maja and her late father, Ross Rival.
At ngayon ay muli na naman niyang ibinahagi sa amin ang mga detalye sa bagong chapter ng kanyang lovelife. Paano ba sinabi sa kanya ni Gerald na inamin na niya ang kanilang relationship? “Sinabi niya na, ‘Sana okay lang, inamin ko na, tinanong kasi ako.’ Kung paano niya sinabi sa Star Studio Magazine, ganoon niya sinabi sa akin. Hinintay kong bawiin niya kasi akala ko nagjo-joke lang tapos hindi niya binabawi,” kuwento ni Maja.
Sa pag-amin ni Gerald ay napatunayan daw niya kung gaano siya kaimportante at kahalaga sa buhay ng binata. She added, “Sobrang gentleman. Sobrang bait. Aaminin ko, kinain ko iyong mga sinabi ko. Marami akong sinabing masasama sa kanya dati. Never kong naisip na magiging kaibigan ko siya at mai-in-love ako sa kanya pero iyong nakilala ko [na] iyong tao, iba. Hindi mo akalain na sa mga ganoong pag-uusap lang, saglit na pagsasama lang, p’wede mo pala na mahalin ang taong iyon.”
I asked Maja what is the best thing about Gerald. “Parang lahat, eh. Hindi ko sinasabi ito dahil sobrang in-love ako at mahal ko iyong tao. Kapag nakilala mo siya, kaya pala ang daming taong nagmamahal sa kanya at ang daming taong ayaw siyang mawala sa buhay nila.”
Hindi maiaalis na hindi mapag-usapan si Kim Chiu sa interview. Hindi madali para sa kanilang dalawa ang sitwasyon lalo pa’t magkasama sila sa Ina, Kapatid, Anak. Sinabi ni Maja na kailangang maging professional. “Kaila-ngan mong magtrabahao at kailangan mong gawin nang tama ang trabaho mo.” Hindi niya masabi na civil ang kanilang relasyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap but she hopes that they will become friends again one day.
Sa bawat pagsubok na kanyang pinagdadaanan sa buhay ay sa Diyos siya laging kumukuha ng lakas. “Ang dasal ko lang sana palagi pa rin Niya akong gabayan. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, hindi ko pa rin alam kung tama o mali. Kahit para sa akin alam kong tama, sa iba hindi. Sana lagi Siyang nandyan, gawin akong matibay at hindi mag-give up sa lahat ng bagay. Sana lagi lang nandyan ang Diyos, hawak ang kamay ko at laging sasabihin na hindi Siya mawawala.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda