PAGKATAPOS ng kanyang pag-ariba sa UK para sa shoot ng kanyang mga eksena sa Dana Guillespie sa pelikulang ‘The Chelsea Cowboy’ ay balik-Pinas na si Lovi Poe para gawin ang kanyang first major project as a Kapamilya via the Philippine adaptation of the top 2020 South Korean series na ‘Flower of Evil’.
Sa tingin namin, ang offer para gawin ang isa sa pinakapaborito niyang KDrama noong 2020 ang isa sa mga dahilan kung bakit lumipat ng network si Lovi. Idagdag pa na makakasama niya rito ang dream leading man niya na si Piolo Pascual, na nagbabalik sa paggawa ng teleserye pagkatapos niyang ideklara years ago na retired na siya sa paggawa ng regular primetime show.
Makakasama nina Piolo at Lovi sa cast ng ‘Flower of Evil’ sina Robert Seña, Epy Quizon, Jett Pangan, Pinky Amador, Kit Thompson, Agot Isidro, Rita Avila, Denise Laurel, Joross Gamboa at Edu Manzano, na pormal na ipinakilala sa kanilang story conference noong Sunday.
Ito ang first team-up nina Piolo at Lovi. Ang ‘Flower of Evil’ ay isang suspense-drama tungkol sa isang pamilyadong lalaki na sinusubukang itago sa kanyang asawa na detective ang kanyang madilim na nakaraan sa pamamagitan ng paggamit ng ibang identity. Ang original South Korean version ay pinagbidahan nina Lee Joon-Gi at Moon Chae-Won, na parehong umani ng iba’t ibang parangal.
Excited na ba kayo sa unang pagtatambal nina Piolo at Lovi?