Makatotohanang Imbestigasyon, Kasunduan, Tungo Sa Pagkakaisa Laban Sa Krisis ng Ating Bansa

MANATILING MULAT sana ang ating mamamayan sa mga pangyayari tungkol sa isyu ng PDAF o pork barrel. Ano nga naman ang mga pagbabago pa tungkol sa usapang korupsyon? Eh, minana na natin ito na tila mantsa nang nakaugalian ng mga nagnanais umupong mga pulitiko. Kung sila ay sisihin natin, ‘di kaya naging bahagi rin tayo sa mga pagpili kung sinu-sino itong mga ibinoto natin sa oras ng halalan?

Si Janet Napoles ay nangangailangang dumaan sa tamang proseso upang kung siya nga ay magsisilbing kasagutan sa mga involved sa kanyang kinasasangkutan. Ang mga diumano’y mga maanomalyang paglustay sa kaban ng bayan ay magpapatunay sa mga inaasahan nating kasagutan kung sinu-sino nga ang mga kasangkot sa tinaguriang scam na ito?

Ang tanong ko lamang, sakaling maalis nga sa mga legislator ang nasabing mga pondo sa ngayon, tiyak na ba tayo na wala nang korupsyon na mangyayari? Sakali man, ano kaya ang titulong maaaring ipalit dito? Nakatitiyak na ba tayo kung ang mga ahensyang pagkakatiwalaan ng ating pangulo ay wala na itong korupsyon?  O, maging sanhi lamang ito ng palakasan? O sabihin nating bahagi ito ng mekanismo sa darating na 2016 elections?

Nito lamang nakaran ay nabanggit sa mga balita na 37 na kapartido ng pangulo ang umano ay nasasangkot sa anomalya.  Tugon ng iba, bakit kung tuwid na daan ang gusto ng pangulo, hindi ba dapat lahat maimbestigahan?

Bakit nga hindi sa dulo ng mga transparency ng argumentong ito ay magkaroon na lamang ng national reconciliation at covenant? ‘Ika nga, magkano ba kaya ang kaya nilang ibalik sa perang kinuha nila para sa kaban ng bayan? Pagkakaisa at tamang pagbabago ng ating bansa ito ay isang banal na layunin sa harap ng mamamayan at ng ating Konstitusyon. ‘Pag hindi mangyayari ito, paulit-ulit lang ang mga pangyayaring mananatili ang hindi magandang hangarin.

Bakit hindi kung sisimulan lamang ang pagbabago dapat magsimula ito sa pinakamataas hanggang sa mga nasa pinakamababa ay magsigaya na rin ito para sa kaayusan?

Sa pamamagitan nito, makikita natin ang pagbabagong ‘di akalain at pag-usbong natin para sa kaunlaran. Naniniwala pa rin ako sa kagandahang budhi ng bawat isa sa atin. Napapanahon na marahil ito. Isa ako sa nagbibigay hamon na bawat isa sa atin ay patunayan natin na lahat tayo ay may pakialam bilang mamamayan ng ating bansa tungo sa ikauunlad at kaayusan ng ating bayan.

ZAMBOANGA STANDOFF

 

KUNG MAKIKITA natin ang problema ng ating bansa, tila nais paghati-hatian ang ating bansa ng gustong sumakop dito, nandiyan ang Tsina, nandiyan ang mga grupong rebelde na MNLF na nagnanis maging independent state at kunin ang Mindanao na diumuno’y isang hindi pagtupad ng gobyernong Aquino sa usapang pangkapayapaan.

Ang pambu-bully ng Tsina para sa posisyon na maganda para sa kanila para sakupin tayo at upang pumosisyon para labanan ang kapwa nilang superpower na bansa. Alam nilang maaaring isang araw, sila naman ang maging katunggali nito para sa isang digmaan. Tiyak na magmimistula tayong pawn sa larong chess. Sino ang maglalaro nito kundi ang mga maggigirian para sa kanilang pansariling interes at kapangyarihan?

Tama ang pagpapasya ng gobyerno na hindi kailangang magpadala pa tayo ng mga sundalo para sa digmaaan kung sakali sa Syria. Marahil boluntaryong tulong para sa medical. Samantalang may gulo sa atin kaya isang malaking dahilan ito upang tumanggi tayo sakaling umatake ang US sa Syria na diumanoy gumamit ng bio-chemical weapons na ikinamatay ng mga inosenteng sibilyan.

Para sa akin, lalong pataasin ang budget ng sandatahang lakas ng ating bansa para handa tayo sa anumang mga darating pang pagbabanta sa seguridad at kapayapaan ng ating bansa.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: e-mail. [email protected].

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

Previous articlePinoy Parazzi Vol 6 Issue 115 September 13 – 15, 2013
Next articlePhoto Spoof

No posts to display