SA KABILA NG malakas na buhos ng ulan, sinuportahan pa rin ng mga fans at celebrities ang ginanap na
screening ng Ang Babae sa Septic Tank noong August 2 sa Gateway Mall. Laking pasasalamat ng bida nitong si Eugene Domingo sa mga nag may-I-sugod sa premiere night. Ang kasamahan sa pelikula na si JM de Guzman ang tumayong escort ni Uge nang gabing ‘yon samantalang ‘di naman nagawang maka-attend ng isa sa mga cast na si Kean Cipriano at super late na nang dumating si Cai Cortez. May mga nagsidalo namang taartits na tila nag-making habol sa venue dahil sa kanilang mga inirampang attire. Ikatataas ba ng kilay namin ‘yan? Larga!
Photos by Mark Atienza
By MK Caguingin
Paparampa
Pinoy Parazzi News Service