Makisaya with the Stars sa Pista ng Pelikulang Pilipino Grand Parade!

Mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino

BONGGA ang paandar ng FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino.

 
Left and right ang mga gaanap nila sa iba’t ibang parte ng bansa to promote the 12 films na kasama sa festival.
 
Inikot nila ang mga major cities ng bansa para ipakilala ang film festival at mga pelikula na kalahok na ang main goal ay magpabalabas ng all-Filipino films simula August 16 hanggang August 22.
 
Yes, sa loob ng pitong araw sa buong Pilipinas ay mapapanood ng mga kababayaan natin ang labing-dalawang pelikula (mga bago at naipalabas na ang ilan ay nagwagi na sa mga film festivals abroad).
 
Nang makausap namin si Gerald Anderson sa pocket presscon ng AWOL , ang mala-Jason Bourne action film ni Direk Enzo Williams ay interesado kami at nasa listahan namin ng top 3 films sa PPP dahil sa istilo ng mga action scenes ni Direk Enzo na maging si Gerald ay napabilib.
 
Kuwento tungkol sa pagresback ng isang sundalo na nag-AWOL ang pelikula kung saan sina Bembol Roco Jr. at Raymond Bagatsing ay may mahalagang role sa pelikula.
 
Alay ni Gerald ang kanyang pelikula sa mga sundalo natin na naglilingkod at nag tatanggol sa bayan.
 
Ang pelikula ay produced ng Starlight Films at CineBro at released ng Star Cinema.
 
Gerald Anderson of the movie AWOL
 
Excited din ako sa pelikulang Patay na si Hesus na bida si Jaclyn Jose at Chai Fonacier. Isang Pinoy laugh trip movie na gamit at lenguwaheng Cebuano na isang comedy-satire sa direksyon ni Victor Villanueva.
 
Noong una ko napanood ang trailer ng pelikula sa panonoorin ko na Spiderman, ang audience ng English film ay natatawa sa mga eksena. Ibig sabihin ay may dating sa manonood ang obra ni Direk Victor.
 
Interested ako mapanood ang Pauwi Na ni Direk Paolo Villaluna na isang romance-drama starring Bembol Roco, Cherry Pie Picache at Meryll Soriano.
 
Ang Paglipay ni Direk Zig Dulay ay interesado din ako laanan ng panahon para panoorin ang isang romance film na hindi ko naabutan sa mga sinehan noong To Farm Film Festival na paandar ni Direk Maryo J. delos Reyes.
 
Kabilang din sa 12 films ang mga pelikulang Hamog, Salvage, 100 Tula Para Kay Stella, Ang Mananagal sa Unit 23B, Birdshot, Triptiko, Bar Boys na bida sina Carlo Aquino, Roco Nacino, Enzo Pineda at Kean Cipriano with our very own Tita Odette Khan na isang comedy-drama at ang advocacy film tungkol sa mga Down Syndrome na Star na si Van Damme Stallone na bida si Candy Pangilinan na pelikula.
 
Sa darating na Sunday, August 13 ay mag motorcade ang mga artista na kasama ang mga pelikula sa PPP. Kitakitz sa mga sinehan sa darating na Wednesday. 
 
 Mabuhay  ang Pelikulang Pilipino.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleAndrea Torres, hindi dapat problemahin: Dingdong Dantes, solid pa rin kay Marian Rivera!
Next articleGINALINGAN: First-ever action film ni AJ Muhlach na ‘Double Barrel’, maganda ang feedback!

No posts to display