MATAGAL din walang balita sa industriya ng entertainment ang dating child singer at aktor na si Makisig Morales. Kumusta na kaya siya ngayon, ano kaya ang pinagkakaabalahan niya ngayon ?
Kamakailan lang muling ipinarinig ni Makisig ang kanyang tinig sa pamamagitan ng sariling bersyon ng “‘Wag Ka Nang Umiyak”.
In-upload ni Makisig ang sariling recording sa kanyang YouTube channel at ipinakita na hindi pa rin kumukupas ang kanyang talento sa pagkanta na ngayon ay umaabot na sa mahigit 780k ang views.
Sobrang na-miss daw ni Makisig ang mundo ng showbiz kaya dinadaan na lang daw niya ito sa pagkanta, kasama ang mga kapatid niya na nakiki-jamming din sa pagkanta at binibigyan nila ng sarili nilang version ang mga awitin na gusto nila katulad ng “Secret Love Song”, “Cold Water” ni Justin Bieber, at “‘Wag Ka Nang Umiyak”.
Matatandaang naging popular si Makisig matapos manalo sa “Little Big Star” noong 2005 at nakilala bilang ang batang super hero na si “Super Inggo” na umere mula Agosto 2006 hanggang Pebrero 2007.
Gumanap din siya sa seryeng “Mirabella” kasama sina Julia Barretto at Enrique Gil noong 2014 bago siya nag-migrate sa Australia para makasama ang kanyang pamilya.
Samantala, ang kantang “‘Wag Ka Nang Umiyak” ay orihinal namang kinanta ng Sugarfee na sinundan ng bersyon nina KZ Tandingan at Gary Valenciano. Ito ang theme song ng ABS-CBN teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Sa True Lang
by Throy Catan