Hindi lang sa social media umani ng iba’t ibang reaksiyon ang Facebook post ng singer-actress na si Agot Isidro, kung saan tinawag niyang ‘psychopath’ si Presidente Rodrigo Duterte.
Noong Linggo, October 9, tumugon ang Malacañang sa kritisismo ni Agot kay Pangulong Duterte nang ihayag nito na hindi kailangan ng Pilipinas ang foreign aid mula sa Estados Unidos at sa European Union.
Biyernes, October 7, nang mag-post si Agot sa kanyang Facebook. Aniya, “Unang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaway.
“Pangalawa, ‘yung bansa kung saan ka inuluklok ng 16 million out of 100+ million people ay Third World.
“Kung makapagsalita ka, parang superpower ang Pilipinas, eh. At excuse me, ayaw naming magutom. Mag-isa ka na lang. ‘Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo.
“Pangatlo, may kilala akong psychiatrist. Patingin ka. Hindi ka bipolar. You are a psychopath.”
Sa isang statement ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sinabi nito na, “While she (Isidro) is entitled to her own opinion, it also reveals the kind of attitude that the President is addressing – dependency on foreign aid. He wants the Filipino people to gain true independence, economically, mentally and socially.”
Reyted K
By RK VillaCorta