HINDI SA twitter, kundi sa facebook nagte-trending si Ate Guy, dahil sa maraming nagpoprotesta kumbakit hindi siya napasama sa mga binigyan ng karangalan bilang National Artist ng gobyerno.
Nakakatuwa, dahil kahit ang mga taga-industriya ay nakikiisa sa paghingi ng reconsideration kay Pangulong Noynoy para ibigay na kay Ms. Nora Aunor ang pagkilala kung saan inisa-isa rin ang mga dahilan at kontribusyon kumbakit deserving si Ate Guy noon pa.
Me mga dahilan din daw ang gobyerno kumbakit hindi ito naibigay kay Ate Guy. Tulad ng pagkakasangkot noon ni Ate Guy sa isyu ng droga. Katwiran naman ng mga naniniwala kay Ate Guy, “National Artist po ang igagawad at hindi po National Saint.”
Oh My G!
by Ogie Diaz