Malakas daw ang pang-amoy sa mga bakla
Divine Lee, walang duda sa dyowang si Victor Basa

WALA YATANG beki here, there and everywhere ang hindi nag-aabang gabi-gabi sa bekiseryeng sadyang nilikha para sa kanila.

Personally, aaminin namin that we were not hooked on the TV series until the third episode kung saan kahit sa mga flashback scenes ay sumulpot na ang karakter ni Eric, the overt gay.

Of the cast members, kay Victor Basa lang kami may indirect access. Victor plays David, ex-lover ng papel na ginagampanan ni Tom Rodriguez, who owns a gourmet resto.

Vic, as he’s fondly called, is TV host Divine Lee’s real-life dyowa. Tulad ng alam ng marami, si Divine ang modern-day reyna ng mga bakla, not only with the way she behaves in public, kundi sa krusada yata nitong kupkupin ang lahat ng mga bakla sa bahay niya.

And did you know that Divine is the only heterosexual member of Ladlad Party-List na nagsusulong ng mga karapatan ng LGBT community?

Anyway, tinext namin ang hitad. We curiously asked her on Victor’s behalf how the plum role landed on her dyowa’s lap. Ano rin ang masasabi ni Divine tungkol sa mga positibong komento sa acting ni Victor? Huling tanong, if she were in Lally’s shoes, ano ang kanyang  “take” on marrying a fag?

Sagot ni Divine, pareho raw nilang binasa ni Vic ang script bago nito tanggapin ang project. When finally her dyowa decided to grab the offer, tinanong daw ni Vic kung sino sa sanrekwang gay friends ni Divine ang puwede niyang gawing peg.

Divine singled out among them. Pinag-aralan daw ni Vic ang mga nuances nito. Nang ipinakilala na ang karakter ni David (Victor) sa kuwento, inamin ni Divine that she never misses out on any episode if only for her dyowa’s awesome, close-to-real performance.

Sa tanong kung paano kung sa kanya nangyari ang karanasang pinagdadaanan ni Lally, reply ni Divine: “Hindi na ‘yon aabot sa ganu’n (ang magpakasal). Mabilis akong makaamoy. At kung hindi man ako, ‘yung isandosenang beki na nasa paligid ko ang makaaamoy sa kanya. Mas okey kung mag-best friend na lang kami.”

Minsan nang pinagdudahan ang kasarian ni Victor, but time and again, si Divine ang sumasalag sa intrigang beki ang dyowa niya. As for Victor, he just shrugs off the issue.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleCherry Pie Picache, type mag-produce ng indie film
Next articleAlex Medina, bale-wala ang pagpapakita ng puwet sa pelikula

No posts to display