BIG FAN ni John Lloyd Cruz ang isa sa most promising member ng Star Circle Batch 13 na si Ingrid Dela Paz na kakaselebra lang ng kanyang kaarawan last April 19 na ginanap sa Little Asia sa Tomas Morato sa isang intimate dinner kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng industriya na regalo rito ng kanyang mabait at masipag na manager na si Bing Cristobal.
Tsika nga ng 19 years old Bea Alonzo look-alike na masyado siyang nagagalingang umarte kay John Lloyd. Kaya naman daw isa si John Lloyd sa gusto niyang makatrabaho in the future. Bukod sa masyadong malakas daw ang hatak nito sa mga manonood, patunay ang lakas ng pelikula nito kasama si Sarah Geronimo, na hindi naman malabong mangyari lalo na’t nasa iisa lamang silang TV network at parehong under Star Magic.
Habang si Nora Aunor naman ang fave actress nito, na ayon kay Ingrid hindi niya raw makakalimutan ang husay ni Ate Guy sa Himala. Kaya naman daw isa rin sa pangarap niya ang makatrabaho ang nag-iisang Superstar. At kahit nga raw malaki ang pagkakahawig nito kay Bea, mas gusto niyang magkaroon ng sariling identity at makilala bi-lang si Ingrid Dela Paz.
PANG-INTERNATIONAL ANG da-ting ng indie film na Bad Romance na pinagbibidahan ng mahusay na indie actress na si Mercedes Cabral sa direksyon ni Ian Del Carmen na nag-aral pa sa Hollywood Film Institute.
Kakaibang horror/thriller na sinamahan ng komedya ang movie na talaga namang mapapatakip ka ng mata sa mga brutal na eksena at mapapasigaw sa takot. Hindi nga ito nalalayo sa mga gawang-Hollywood Korean at Thailand pagdating sa pelikulang katatakutan.
Swak na swak ang role dito ng lead actress na si Mercedes na napakahusay bilang pyscho killer na si Andrea Maglalang na na in love sa isang sikat na actor na si Sam Loyd Pascual na ginampanan ng baguhang si Francis Lopez at pumatay sa 6 na katao sa Castaway Hotel.
Kasama rin sa movie sina Ogie Diaz, Aiza Seguerra, Rey PJ Abellana, Archie Alemania, Jayson Gainza, Janelle Manahan , Flor Salanga, Raul Morit at Karen Gallman.
MULA SA pagiging child star, dalagang-dalaga na si Isabelle De Leon o mas kilalang Duday nu’ng kanyang kabataan. Matagal-tagal ding nawala sa sirkulasyon si Isabelle dahil mas nag-concentrate ito sa kanyang pag-aaral.
At sa kanyang pagbabalik ay isang album ang hatid ni Isabelle sa kanyang mga tagahanga at ito ay ang kanyang self-titled album na Isabelle De leon, Love Zone under Poly East Records kung saan napapaloob dito ang 6 na original songs na siya mismo ang nag-compose.
Mula sa kanyang hist song na kanyang carrier single na “1 Week To Move On”, at ang iba pang sure hit songs na “Feelingero”, “Alice Wonders”, “Pag-Ibig Ko’y Sa ‘Yo”, “Sa Yakap Mo”, at “Friend Zone”.
HINDI NAIWASANG magkasakitan sa sobrang dami ng taong nanonood sa show sa Jeds Island Resort ng all-male sing and dance group na sikat sa Internet at tinaguriang Twitter Cuties, ang Upgrade na kinabibilangan nina KCee, Miggy, Armond, Mark, Rhem, Raymond at Ron, nang magsimulang magkatulakan ang mga taong naroroon para makalapit sa naturang grupo.
Isang fan ang bumagsak at napilayan nang matulak ng mga taong naroroon, samantalang ang iba naman ay nagalusan. Kaya naman pansamantalang naantala ang show ng Upgrade para pakiusapan ang mga taong naroroon na ‘wag magtulakan tsaka itinuloy ang show.
Mabuti na lang at nagdagdag ng tao ang pamunuan ng Jeds Island Resort para humarang sa mga taong gustong lumapit sa Upgrade. Hindi raw kasi inakala ng mga ito na dudumugin ng mga tao ang show ng sikat na grupo.
John’s Point
by John Fontanilla