Malaking problema ng mga guro sa Naujan

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED

Kami po ay mga guro ng Naujan Municipal High School ng Naujan, Oriental Mindoro, nais po naming humingi ng tulong sa inyo tungkol sa ginawang pagnanakaw ng aming suweldo ng aming bookkeeper. Malaki ang nakuha niyang pera sa aming mga guro dahil ang perang pang-remit namin sa mga loan namin tulad ng sa GSIS, Pag-ibig at iba pa ay hindi pala niya nire-remit kasi nasa kanya. Kaya halos hindi po nabawasan ang mga utang namin sa mga ahensiyang pinagkakautangan namin. Sana ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

Isa po akong concerned citizen na nagmamalasakit sa mga staff ng Brgy. Pag-asa sa Quezon City dahil anim na buwan na po silang hindi sumasahod. Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan. Salamat po.

Isusumbong ko lang po sana iyong school namin dito sa Silay South Elementary School sa Negros Occidental kasi nagpapagawa po ng gate worth P5,500.00 tapos landscape na P1,200.00 at pagpapapintura na P1,000.00. Sinisingil po nila iyon sa lahat ng estudyante na hindi bababa sa P100.00 at dagdag pa ang P10.00 every week para sa floorwax. Hindi naman nila tinatanggap ang reklamo namin at pinababalik po kami sa principal’s office.

Irereklamo lang po namin iyong daanan namin na tulay rito sa Sinagtala, Brgy. Bahay Toro sa Project 8, Quezon City. Maayos ito dati at giniba lang noong isang taon. Hanggang ngayon ay hindi pa naaayos, iyon lang po ang tawiran ng mga estudyante.

Isusumbong ko lang po itong paniningil ng P200.00 ng guro ng aking anak. Pambili raw po iyon ng water dispenser. Dito po iyon sa Burgos Elementary School sa Paniqui, Tarlac.

Isa po akong concerned citizen from Zambales, gusto ko lang po sanang itanong kung iyong pagbabayad po ba ng contribution para sa semento at hollow blocks sa school, PTCA membership at Red Cross membership ay kailangan po ba talaga sa isang public school?

May irereklamo lang po ako na matagal na walang ilaw ang poste rito sa may Lavezares sa may Binondo, Manila. Delikado po kasi ang lugar at madalas na may naho-holdap.

Nagbebenta po rito sa Bulihan National High School sa Silang, Cavite ng raffle ticket sa halagang P30.00 sa bawat estudyante. Ang alam ko po ay bawal ang ganitong kalakaran, hindi ba? Sana po ay matulungan n’yo kami dahil imbes na baon na lang ng bata ay ipinambabayad pa sa raffle ticket.

Taga-Palawan po ako at nais ko lang sanang ipaabot sa inyo ang problema namin dito sa Dumaran Central School dahil matindi po ang mga sinisingil na contribution.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleKris Aquino, may gagawing proyekto sa TAPE ng mga Tuviera?
Next articlePinoy/Indonesian Star Teejay Marquez, bumalik sa Pilipinas para sa photoshoot ng kanyang iniendorsong produkto

No posts to display