Maldita Lover (12)

Romancenovel“AYOKONG MAGKAROON ng daughter in law na maldita,” tahasang sabi ng mommy ni Carl.

Ngumiti sa kanya si Arianne. “Tita, description ko lang po ‘yun sa kanya based on what I gather about her from mga kuwento ni Carl. Feeling ko lang po ‘yon. Malay po natin, ‘di naman s’ya talaga maldita.”

“She orders Carl around. Make him run like a headless chicken each time she needs someone to drive her to whatever place, or lend her whatever help. And she even had that whole game of playing a lesbian just to test if Carl really likes her. Ano pa bang tawag do’n kundi maldita? Or if you want, your term for her na lang. Bitch.”

“E, mga kuwento lang naman po ‘yon ni Carl. ‘Di pa po talaga natin kilala si Ritz. For all we know, mabait naman s’ya or ok. I mean, Carl wouldn’t like her just because she’s maldita. There must be something in her na maganda o mabuti na nakita ni Carl, that’s why he likes her.”

“Sana nga,” hirit ng mommy ni Carl. “Can’t bear that my son is a maldita lover. Baka masokista na pala ang anak ko, wala man lang akong kaalam-alam.”

Sinerve nina Arianne at ng mommy ni Carl ang drinks at sandwiches kina Carl at Ritz. Nakiupo pa muna sila at nagtanong ang mommy ni Carl kay Ritz.

“So you’re a vet pala, Ritz?” unang tanong ng mommy ni Carl.

“Opo. Pareho po kami ni Kuya Rand na vet kaya po nagkakilala kami ni Carl.”

“Oh yes, si Rand,” sabi ng mommy ni Carl. “He used to come here a lot dati. ‘Di ba, Carl? You’ve been best friends with Rand for like what? Almost your whole life na, ‘no?”

“Housemates si Ritz and Rand,” sabi ni Carl.

“Housemates?” reaksyon ng mommy ni Carl. “You live under one roof? Pa’no kayo naging housemates? Why are you housemates? I mean, do your parents know?”

Natatawang sumabad si Arianne. “Tita, ang pagiging ultra conservative n’yo, lumalabas po.”

“Arianne, we’re talking of a boy and girl living under one roof. Isn’t that alarming?”

“Tita, common na po ang mga gano’n ngayon. Puwede na pong magkasama sa bahay ang babae at lalaki. Housemates lang po and nothing more. Dala lang po ng kahirapan ng buhay. Nagtitipid kaya nagha-housemate po.”

“But a boy and a girl?”

“Brod ko po sa org si Kuya Rand,” paliwanag ni Ritz. “Kung baga, para ko na po talaga s’yang kapatid. May dalawa pa po kaming sisses na kasama sa bahay. Bale, dalawa naman po ‘yung rooms sa house. Du’n po kami ng mga sisses ko sa malaking room. Si Kuya Rand po du’n sa maliit na room. Solo po s’ya since s’ya lang po ang lalaki.”

“But it’s still just one house.”

“Mom, it’s a really big house. They have two bathrooms so hindi rin sila nagshe-share with Rand.”

“Ewan ko, masyado lang siguro talaga akong old school. In my time, that’s unheard of.”

“I understand po,” sabi ni Ritz. “Hesitant din po at first na payagan ako ng parents ko. ‘Di rin po nila ma-imagine na may makakasama akong lalaki sa bahay. But they trust Kuya Rand naman po. They know na kuya-kuyahan ko naman po s’yang talaga. And they know my other two sisses din naman po, kaya in the end, wala na rin pong problema sa kanila.”

“Your parents, what do they do?” tanong ng mommy ni Carl.

“Both retired teachers na po sila. Nasa amin po sa Bicol.”

“Ah, you’re Bicolana pala,” sabi ng mommy ni Carl. “Where in Bicol?”

“Naga po. Mayon volcano.”

“So mahilig ka sa spicy?” muling tanong ng mommy ni Carl.

“Naku, hindi po. Sabi nga po dati ng mama ko, para raw akong hindi Bicolana kasi po konting anghang pa lang, ‘di ko na po talaga kaya.”

“Pareho pala tayo,” sabi ng mommy ni Carl. “I have sweet tooth, e. Matatamis ang hilig ko.”

“Tamang-tama po,” biglang sabi ni Ritz. “Mahilig po akong mag-bake at gumawa ng pastry. Wala pong hilig sina Kuya Rand at ang mga housemates namin. Ngayon, may patitikman na ako ng aking mga ibe-bake.”

“Aba, magkakasundo pala tayo,” sabi ng mommy ni Carl. Tiningnan n’ya si Carl, “Lagi mong i-invite dito si Ritz, ha? And you be good to my new amiga.”

Nagtawanan sina Carl, Ritz, at ang mommy ni Carl. Pinilit makitawa ni Arianne nguni’t masakit para sa kanya ang nagaganap. Pinayapa na lamang ng kanyang isipan ang kanyang nasasaktang damdamin: “Dapat nga matuwa ka’t nagkakasundo na sila. Kung ikaw ang kasama sa kanilang tawanan, paano na sila sa panahong kailangan mo na silang iwan?”

(Itutuloy)

Previous articleKris at Toni, In; Janice at Carmina, out
Next articleMove on Monday

No posts to display