DALAWANG ARAW nang maysakit si Arnell Ignacio, but he showed up at the screening of his first ever indie film, ang Bola, at UP Film Center.
As usual, may updates siya sa progreso ng kasong robbery with intimidation na isinampa niya laban sa tatlong miyembro ng PNP-Highway Patrol Group sa San Juan namely: PO3 Jose Levy Llagas, PO3 Neil Pono and PO1 Joel Lasala.
“Bale ‘yung administrative charges, nadesisyunan na. Na-dismiss na sila sa serbisyo. Ang inaantay na lang, eh, ‘yung desisyon ng korte sa San Juan at sa Ombudsman. If the decision turns to my favour, puwede naman silang umapela,” sabi ng lulugu-lugong si Arnell at the event.
The case, however, has recently taken a shift nang isa raw sa tatlong akusado ay taus-pusong inihihingi ng tawad ang kanyang ginawa. Hindi na tinukoy ni Arnell who among the three is now consumed by remorse.
“Ang sabi ko lang sa kanya, kung hindi rin siya sumama sa laban, inetsa-puwera ko sana siya. Kaso, he joined his two other companions. Kaya sabi ko, it’s not for me to decide, kasi nasa korte na ‘yon, pero kung sa napatawad, matagal ko na silang napatawad. ‘Yun nga lang, maraming nabago sa buhay ko,” pangungumpisal ng hitad.
It’s business as usual for Arnell though as he switches from TV hosting to movie acting. In the pink film Bola, Arnell plays Pandy, isang designer at team manager na magnanasa sa star player ng isang koponan sa basketbol.
In the movie, inamin ni Arnell na na-trauma ang kalaplapan niyang baguhang si Kenneth Salva who, in real life, is an established kontesero in male beauty pageants.
Sa tanong kung nadala ba siya sa mga eksenang ‘yon, sapat para pagbayaran niya ‘yon nang bonggang-bongga in the privacy of his bedroom, pa-girl ang sagot ng hitad: “Ah, hindi eh, kasi disente siya. Hindi bastusin ang dating niya. Pero after the take, nakita ko siya na lumakad papalayo sa set, hinihimas-himas niya ‘yung upper lip niya. Nakagat ko yata sa sobrang pag-i-internalize ko sa role,” sabay tawang sabi ni Arnell.
A REVERED name both in the academe and in politics, isa na ring ganap na radio commentator si Danton Remoto via his evening program aptly titled Remoto Control on Radyo Singko 92.3 News FM.
Spicing up the 9:30 p.m. block from Mondays to Fridays, the former English and Literature professor at the Ateneo de Manila University (where he taught for 22 years) promises na ang naturang programa “ay para sa mga misis na nag-aabang sa asawang pauwi ng bahay, o sa mga sekyong nakatalaga sa building, o sa mga yaya na nagpaplantsa ng damit ng kanilang mga amo, o sa mga karaniwang Pinoy na uhaw sa mga napapanahong impormasyon sa ating kapaligiran.”
Within Danton’s program are segments like Sulyap sa Nakaraan, Kalabit sa Balita (a fearless, no-holds-barred editorial), Super Sounds, a portion dedicated to the Pinoys who have excelled in their fields of endeavour and a compilation of ages-old Filipino legends and myths.
Currently the News5 Research head and host of Tayuan Mo at Panindigan, sa mundo ng kabadingan ay si Danton lang naman ang malakas na puwersa sa likod ng Ladlad Party List na nagtataguyod sa mga karapatan ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) kung saan ang official spokesperson nito is also a revered name in all facets of the entertainment/political spectrum (TV hosting, artist management, consultancy, public relations, events management, ooohhh, name it!), walang iba kundi si Boy Abunda.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III