MAY PAGKAMASELAN ang aming paksa tungkol sa ngayo’y hiwalay nang magnobyo, kaya instead of dwelling on their identities ay mas iha-highlight namin ang ilang nakalulungkot na kaganapan in their not-so-happier times of togetherness.
Kababaeng tao ni D, pero siya pa raw pala ang gumagastos sa kanyang dyowang si J to think na mas malakas rumaket ang boylet. At the height of their affair, binalak ng magdyowa to take a European vacation, ang pamasahe papunta sa isa sa mga bansa roon ay iniharbat ni D mula sa kanyang ama.
Kamukat-mukat, ikinansela pala ni J ang kanilang biyahe at the last minute, ang nai-refund niyang airfare ay kinanya na niya. Tuloy, sinisingil si J ng ama ni D.
Hindi lang daw ‘yon, ani D, ang pag-uugaling kabutas-butas sa kanyang dyowa. Isang sunog ang naganap umano sa mismong silid-tulugan ni D, kung saan natupok ang kanyang kama habang himbing na natutulog. Bagama’t wala namang matinding pinsala ang tinamo ni D, in fairness, sumaklolo naman daw si J sa pinangyarihan ng sakuna.
Takang-taka pa raw si J kung bakit napalilibutan ng maraming tao ang tirahan ni D. Nang malaman daw ni J na nakaligtas sa insidente si D ay parang nanghinayang pa siya, dapat daw ay nasawi na raw ang nobya.
When told about D and J’s unpleasant romance, we instantly dismissed it as a cock-and-bull story, in short, mukhang produkto lang ng imahinasyon. Sa mababaw kasing pagkakakilala namin kay J, malayo sa kanyang aura na may kakayahan siyang ituring na parang bakla ang dyowa niyang babaeng-babae.
Trauma kung tutuusin ang karanasang ito para kay D, ewan kung nais pa rin niyang manatili sa bansa.
(By Ronnie Carrasco III)