KINSA SIYA? NALOLOKA kami sa isang texter sa radio. Patanong kasi niyang idinetalye ang kanyang nasaksihan sa isang hotel sa Davao kamakailan lamang.
Tanong pa nito, “Bakla po ba si ___ kasi nakita ko siyang may kasamang lalaki sa isang hotel sa Davao.”
Naku ha, marami na nga talaga ang nag-aalangan sa gender nitong singer na ito, dahil may isang ‘booking agent’ (bugaw) din ng mga lalaking bayaran ang nag-tip sa aming kaibigang oo nga, kumukuha nga ito sa kanya ng minchu. Naku ha, kung ganu’n ka nga, dapat ka na sigurong magladlad, ‘noh!
(By Arniel Serato)