Male TV host, halos babuyin ang ka-sex na kapwa lalaki!

JUDGING IS NEVER an objective exercise, lalabas at lalabas ang pagiging subjective o emosyonal ng sinumang hurado sa anumang timpalak in favor of a candidate.

Such is the case of Annabelle Rama whose walkout scene in protest of her naligwak na manok in Star Factor named Gabo created a stir, if not a feud with fellow judge Joey Reyes. Bagama’t nagbabalik na uli si Tita A sa naturang artista search ng TV5 to perform her duties as a judge, lumutang pa rin ang kanyang pagiging maawain sa natanggal na bet.

Beinte mil ang balitang ibinigay ni Tita A bilang pampalubag-loob kay Gabo, another P10,000 came from Ruffa Gutierrez na host ng Star Factor if only to appease a distraught showbiz hopeful na kinakitaan pa mandin ng malaking promise sa showbiz.

Mother-and-daughter act of generosity, who can beat that? Pero magsisilbing eye-opener din ito kay Gabo, who reportedly had to quit his studies to give way sa kanyang pangarap maging artista. Now that Gabo never made it to the top 12, sacrificing what could be a passport to a brighter future, was joining Star Factor worth it?

BOTH UNDER ATTACK sina Vice Ganda at MTRCB Chair Consoliza Laguardia. On One hand, foul daw ang mga on-air spiels ni Vice Ganda na may “double entendre”; on the other, si Laguardia lang naman daw ang nagbibigay ng malisya sa mga ito.

But like a romance novel, despite its intertwined conflicts, there’s always a happy ending. Buti naman, mismong ang hepe na rin ng MTRCB ang gustong makipagdayalogo kay Vice Ganda to iron things out. Prangka naman kasi si Petrang Kabayo na willing siyang makipag-usap sa MTRCB.

This is the beauty of democracy, at least sa level ng showbiz kung saan dapat lang isulong ang self-expression sa larangan ng sining, ngunit may kaakibat na responsibilidad.

With the issue now resolved between Vice Ganda and Laguardia, let the laughter ensue. Dalawang borlogs na lang kasi, sisipa na ang Petrang Kabayo in the box-office race.

BLIND ITEM: VIRTUAL unknown pa sa larangan ng hosting ang male personality noong dalhin siya ng isang may-kayang bading sa Amerika, kung saan eventually they ended up as lovers. ‘Yun ‘yong turning point sa buhay ng male host career noong narito pa sa Pilipinas wasn’t going anywhere.

Tapos ng isang kursong medical (kayo na ang bahalang manghula kung dentistry, medical technology, veterinary medicine or other allied disciplines), sa Amerika bumongga ang kanyang career through the help of his gay lover, only to return to the country for a major break on TV. Iniwan niyang lugmok ang pobreng jowa who had himself to blame for all his kagagahan sa pag-ibig.

Balitang AC-DC ang male host na ito, kalat na ang kanyang sexual conquests with fellow bisexuals. Ibang klase raw sa kama ang host na ‘yon, babuyan kung babuyan ang gusto niyang pakikipagtalik, leaving his partner feeling violated after the sex act. Nasa kuwentong ito ang clue to his identity.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleEnchong-Erich loveteam, muling patutunayan ang star power!
Next article‘Webcam Scandal’ ni Mark Herras, pinagbayuhan ng kilalang personalidad!

No posts to display