SIPAT: KAPAMILYA pa rin si SARAH GERONIMO. KAPIPIRMA niya lang ng BAGONG KONTRATA.
EKLAT: ‘BASTED’ ang KALABANG NETWORK!
SIPAT: BAKIT naman IIWAN ni SARAH ang ABS-CBN?
EKLAT: JOIN siya sa NETWORK ng mga SIKAT, ‘no!
SIPAT: PUMIRMA na rin ng EXCLUSIVE CONTRACT sa STAR CINEMA si ANGELICA PANGANIBAN.
EKLAT: Tsk… it SHOULD have been YOURS, CLAUDINE BARRETTO.
SIPAT: BAKIT? ALAGANG-ALAGA naman si CLAUDINE ng KAPUSO, huh!
EKLAT: KASAMA nga siya sa NEW TV SERIES na ALL-STAR CAST ng SIYETE, ‘no!
SIPAT: NOPE. HINDI pa MATSUTSUGI ang PILIPINAS, WIN NA WIN.
EKLAT: May NANONOOD pa ng SHOW, ‘no!
SIPAT: SEMPLANG sa TAKILYA ang MAMARAZZI ni EUGENE DOMINGO?
EKLAT: HINDI nila na-PREDICT na ‘MAMA-LAZZIN’.
SIPAT: Naging ‘NEGA’ din kasi itong si UGE sa ilang SHOWBIZ PRESS.
EKLAT: So, BAD PUBLICITY… is REALLY BAD!
SIPAT: ‘PINAY FASHIONISTA’ ang ROLE ni CHARICE PEMPENGCO sa GLEE.
EKLAT: JUSTIFIED ang pagpapa-BOTOX niya!
SIPAT: We’re PROUD of CHARICE, siyempre!
EKLAT: …and VICKI BELO.
SIPAT: ‘KABILIB si BAYANI AGBAYANI, HINDI PINATULAN ang HAMONG SUNTUKAN ni DINGDONG DANTES.
EKLAT: ‘HIRAP nang BANGGAIN ang PINAKASIKAT na ARTISTA ng KAPUSO, ‘no!
SIPAT: Ows? PINITSARAHAN ni MARIAN RIVERA si BELLA PADILLA?
EKLAT: Baka SASABAK na sa ACTION si MARIAN!
SIPAT: PAREHO yatang ‘WARFREAK’ ngayon ang MAGSYOTA.
EKLAT: Pati FANS nila NAG-AALBURUTO!
SIPAT: ‘Kung MAKAKAPATAY lang ang mga TINGIN, e TIGOK na ang STAFF na ito nang TITIGAN ng MALE TV HOST,’ tsika ng MAHADERA. ‘NALIGAW kasi ang POBRE do’n sa PINAG-EENSAYUHAN ng mga nag-ALSA BALUTANG KAMPON ng MALE TV HOST ng ex-NOONTIME SHOW ng ONE-PLUS-ONE TV NETWORK. KULANG na lang, e MURAHIN niya nang BONGGANG-BONGGA ang staff sa PAGKAKATITIG niya!’
EKLAT: ‘Hay, naku… HINDI na MAGBABAGO ang MATANDANG KABAYO kahit na GAWIN mo pa siyang KAPATID, ‘no!’ ang pahabol na litanya ng ating MAHADERA.
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service