Sipat-eklat: Male TV host, sobrang sweet sa male actor!

SIPAT: OUT na si ANGEL LOCSIN sa KOKEY @ AKO.
EKLAT: ‘BUTI naman… NAGKATRABAHO tuloy si TONI GONZAGA!

SIPAT: Uy, SWAK naman si TONI sa BAGONG SERYE ng DOS, huh!
EKLAT: Kung HINDI pa ‘yon INAYAWAN ni ANGEL…

SIPAT: AYAW talaga ni ANGEL ng PROJECT na Kokey @ Ako.
EKLAT: Kaya nga sila NAGHIWALAY ni BECKY AGUILA!

SIPAT: LALAYASAN na pala ni MARK BAUTISTA ang ASAP XV. ‘SALI na siya sa PARTY PILIPINAS.
EKLAT: Ay, NAMIRATA na sila!

SIPAT: PASOK na rin ang KAMBAL na sina RICHARD at RAYMOND GUTIERREZ sa NILULUTONG VARIETY SHOW ng SIYETE.
EKLAT: GALINGAN nila… baka MAHILAW!

SIPAT: Tiyak na UMAATIKABONG KANTAHAN at SAYAWAN ang PARTY PILIPINAS.
EKLAT: SINO kaya kina RICHARD at RAYMOND ang PUWEDENG mag-SING-AND-DANCE?

SIPAT: NAGPAPALAKAS nang HUSTO ang TV5. PANAY PAPIRMA nila ng mga TALENTS.
EKLAT: LALO na ‘yung mga WALANG GINAGAWA sa DOS at SIYETE!

SIPAT: Sey ni RUFFA GUTIERREZ, MALAKI ang UTANG na LOOB niya sa ABS-CBN.
EKLAT: Pero MAS MALAKI ang OFFER ng TV5!

SIPAT: Mga PASAWAY na agad ang STARSTRUCK WINNERS na sina SARAH LAHBATI at DIVA MONTELABA?
EKLAT: Hindi naman… GUMAGAWA lang ng INGAY?

SIPAT: WALA nang MAKAPIPIGIL sa PAGBABALIK ni NORA AUNOR!
EKLAT: Kaya ITULOY na ang PELIKULANG ‘ANG PAGBABALIK ng ATSAY’!

SIPAT: At kung GAGAWIN ang REMAKE ng ‘ANAK ng ATSAY’…
EKLAT: PASOK na d’yan si MELAI CANTIVEROS!

SIPAT: Blind Item: ‘SWEET talaga ang MALE TV HOST na ‘yan,’ sey ng MAHADERANG MIRON. ‘PANAY ang HOLDING HANDS kay [MALE ACTOR], e!’
EKLAT: Clue: Baka hindi MO na siya mapanood every Sunday…

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #259: March 5-7, 2010
Next articleRuffa Gutierrez, kinontra ni Annabelle Rama sa pagdating ng ex-husband!

No posts to display