KAMAKAILAN LANG, gumawa ako ng artikulo tungkol sa sikat na sikat na GM Diet. Kaya, para tuluy-tuloy ang iyong paglalakbay tungo sa malusog na pagpapapayat. Ating alamin ang mga maling konsepto ng pagpapapayat.
Maling Akala 1: Ang pag-skip ng tamang oras ng pagkain
Marami sa mga bagets ang inaakala na ang pagbawas ng pagkain ay ang tamang paraan upang makapagbawas ng timbang. Kadalasan, karamihan sa kanila ay hindi na kumakain ng almusal o kaya ng hapunan. Maling-mali ito dahil ang pinakaimportanteng pagkain ng tao sa isang araw ay ang almusal. Kung hindi ka kakain sa umaga, paano ka na lang gaganahang kumilos sa buong araw? Pagdating naman sa hindi pagkain ng hapunan, mali rin ito dahil ang posibilidad na mangyari ay ang pagbangon mo sa kalagitnaan ng madaling araw dulot ng gutom. Kaya, dito na papasok ang pagkain ng midnight snacks na siyang makapagpapataba lalo sa iyo.
Ano ang tamang gawin? Ayon sa mga fitness expert, panatilihan ang pagkain ng hanggang sa anim na beses sa isang araw. Dapat daw kada dalawang oras, ikaw ay may kinakain kahit maliliit na portion lang ng pagkain dahil ang ganitong gawain ay nakapagpapabilis ng takbo ng metabolism ng katawan ng isang tao. Kumain din ng marami sa almusal upang makakuha ng sapat na enerhiya sa buong araw at para maiwasan ang pagkagutom nang wala sa oras. Sa hapunan naman, puwedeng gawin ang After 6 diet o ‘yung hindi na pagkain ng kahit ano sa oras na sumapit ang 6:00 pm. Kaya, agahan ang pagkain ng hapunan upang umabot sa After 6 Diet. Sabi kasi ng mga expert, bago tayo matulog sa gabi dapat may tatlong oras na agwat mula sa pagkain ng hapunan upang makasiguro na natunaw na lahat ng iyong kinain sa buong araw.
Maling Akala 2: Ang pag-inom ng diet supplements o diet juices nang walang ehersisyo
Nagkalat ngayon ang mga iba’t ibang klase ng diet supplements at diet juices. In na in to sa mga bagets dahil sa social media sites ang pamamaraan ng kanilang pag-advertise sa mga nasabing produkto. Ang ginagawa ng mga seller ay ang pag-post ng mga before and after effect sa paggamit ng kanilang diet supplements at diet juices products.
Maling-mali ito dahil una, hindi kayo nakatitiyak kung approved ba ang kanilang produkto ng BFAD at ng DTI. Pangalawa, hindi rin kayo nakasisiguro kung ligtas nga ba kayo sa pagsubok ng mga ito. Baka mamaya may kakaibang chemical naman silang hinalo rito. Nababawasan nga ang timbang n’yo ngunit kasabay rin nito ang pagbawas ng oras ng iyong buhay. Para naman sa detox juices, piliin ang detox juices na inyong iinumin. Dapat iyong sakto lang sa pangangatawan ninyo dahil hindi n’yo alam, ang iba sa mga detox juice ay malakas ang acid content na puwedeng makasakit sa inyong digestive system.
Ano ang dapat gawin? Sa lahat ng diet plan, hindi puwedeng mawala ang ehersisyo. Ito pa rin ang pinakamabisang pamamaraan sa pagpapapayat. Hindi puwedeng iinom-inom ka lang ng kung anu-ano at aasang papayat ka na lang bigla-bigla. Kaya dapat sa araw-araw, mag-ehersisyo lagi para sa mabisa at malusog na pagpapapayat.
Maling Akala 3: Ang pagkakaroon ng ‘fitspiration’ o ‘thinspiration’
Ano ang dapat gawin? Bakit hindi mo gawin na maging inspirasyon mo ang sarili mo para makamit ang mithiin na iyong ninanais. Mas epektibo ito kaysa ang pagnanasa sa katawan ng iba. Kaya, simulan mo ang malusog na pagpapayat sa sarili mo.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo