Dear Atty. Acosta,
KUMUHA PO ako ng birth certificate sa NSO upang makapag-apply ng passport. Napag-alaman ko po na mali ang spelling ng aking pangalan doon. RHEA ang nakalagay sa birth certificate ko pero lahat ng aking mga papeles gaya ng school records, SSS, PhilHealth, PAG-IBIG at marriage contract ay REA ang nakalagay. Puwede po bang mapalitan ang spelling ng pangalan ko sa birth certificate?
Rancy
Dear Rancy,
MAYROONG DALAWANG paraan upang maiwasto ang mga maling datos sa ating birth certificate. Ang una ay sa pamamagitan ng paghahain ng Petition for Correction of Entry ayon sa Rule 108 ng Rules of Court at ang ikalawa naman ay ang administratibong pagtama ng tanggapan ng Local Civil Registrar alinsunod sa RA No. 9048 o mas kilala sa tawag na Clerical Error Law. Ang kahulugan ng clerical o typographical error ay makikita sa Section 2. par. 3 ng R.A. 9408:
Section 2. Definition of Terms. – As used in this Act, the following terms shall mean:
xxx
3. “Clerical or typographical error” refers to a mistake committed in the performance of clerical work in writing, copying, transcribing or typing an entry in the civil register that is harmless and innocuous, such as misspelled name or misspelled place of birth or the like, which is visible to the eyes or obvious to the understanding, and can be corrected or changed only by reference to other existing record or records: Provided, however, That no correction must involve the change of nationality, age, status or sex of the petitioner.
Ang maling spelling o baybay ng iyong pangalan ay maituturing na clerical o typographical lamang na maaaring itama sa pamamagitan ng administratibong paraan at hindi nangangailangan ng kautusan mula sa hukuman. Samakatuwid, maaari mong maipawasto ang spelling ng iyong pangalan sa pamamagatian ng paghahain ng Petition for Correction of Entry sa tanggapan ng Local Civil Registrar sa lugar kung saan nakarehistro ang iyong birth certificate. Kailangan mong isaad sa iyong petisyon ang mali sa iyong birth certificate na nais mong ipawasto. Kailangan mo ring ilakip sa iyong petisyon ang mga sumusunod na dokumento ayon sa Section 5 ng R.A. No. 9048: 1. Sertipikadong kopya ng iyong birth certificate na naglalaman ng maling datos na nais mong ipatama; 2. Pampubliko o pribadong dokumento na nagpapakita ng tamang datos na maaa-
ring gawing basehan sa pagtama ng iyong middle initial. Ang dami ng dokumentong iyong ibibigay ay kinakailangang hindi bababa sa dalawa (2). Ilan sa mga dokumentong maaring mong ibigay ay ang kopya ng iyong marriage contract, SSS, PhilHealth, o ang iyong school records; 3. Iba pang mga dokumento na maaaring hingin ng tanggapan ng Local Civil Registry upang maaprubahan ang iyong petisyon.
Halinang manood ng “PUBLIC ATORNI: ASUNTO O AREGLO” tuwing LUNES, 9:20 pm sa AksyonTV.
Atorni First
By Atty. Persida Acosta