MALAKAS ang presence ng baguhang si Race Matias nang pumasok siya sa sa media conference venue ng pelikulang Indak sa G Force Dance Studio in Quezon City.
Bukod sa maganda ang tindig, guwapo si Race. Mana sa ama or sa ina niya na si Eloisa Matias na dating ABS-CBN production executive.
Guwapong-guwapo ang mga media na naroroon sa conference venue.
Ipinagkumpara nga si Race sa ibang mga artista sa kasalukuyan na sabi ng nakararami, Race looks like or kamukha ng Thai Superstar na si Mario Maurer na super sikat hindi lang sa Thailand kundi halos sa buong Asya.
Tulad ni Mario, charming si Race. May kakaibang awra na humahataw sa tuwing may tumitingin or tumititig sa kanya. Matikas ang tindig. Guwaping si Race na iisipin mo na chickboy ang binata.
But nope, one-woman man si Race. He is commited sa girlfriend niya kaya no reason para mangaliwa siya at maging chickboy.
Sa unang sabak ni Race sa showbiz ay introducing ang binata sa dance-musical film na Indak produced ng Viva Films mula sa direksyon ni Paul Alexei Basinilio na scheduled ipalabas on August 7 sa mga sinehan nationwide.
Malakas ang charisma at madaling mahalin ang binata na napagaalaman namin ay graduate pala siya ng acting and film directing sa New York Academy.
In the film, Race plays the role of Fred na kabilang sa dance crew nina Nadine at Sam.
Kuwento nya about the female lead na si Nadine: “At first I was intimidated. Syempre, sikat siya. Sa scene namin, medyo naalangan ako dahils he’s Nadine Lustre but later on ay okey naman,” sabi ng binata.
Dagdag ni Race sa interbyuhan, maganda ang experience niya sa unang pelikula niya, reason na he wants more in the near future.
Reyted K
By RK Villacorta