NAGBABALIK SI DIANE Ventura sa limelight na unang nakilala bilang manager ni Ely Buendia (Eraserheads noon), na nakarelasyon din at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. This time, susubukan ni Diane ang unang pangarap niya at iyon ay ang maging direktor.
Pasok nga sa short films category ng Cinemanila International Film Festival ang una niyang obra, ang TheRapist, na siya rin ang sumulat. Isa itong “black movie” na ang tema ay women empowerment. Lead role ang batikang aktres na si Ms. Cherie Gil na siya ring nasa isip n’ya nu’ng sinusulat n’ya ang istorya.
“I told them (my friends in the production) na if it’s not Ms. Cherie, I won’t do it. So we talked to her manager and told us to give them the script. Then after a couple of days, she came back to us at sinabing gagawin daw ni Ms. Cherie. So we’re like, “Go!” After a couple of meetings with Ms. Cherie, nagkasundo na kami and we planned na for the shooting.” Kuwento ni Diane sa kanyang ipinatawag na mini-presscon.
Kumusta ang first encounter niya kay Ms. Cherie bilang direktor? “Ay, she’s so professional. Walang arteng kausap, napakahusay katrabaho. At first, medyo shy ako kasi I know na she’s an actress per se sa TV at movies. Intimidated? Hindi… siguro kasi, nagkikita na kami noon in some events. She even told me na first time niyang nabasa ang script, nagustuhan na niya. May mga tanong siya like how I would like to deliver her lines and me naman I know na she knows how to do it. So, were kinda like collaborating or talking every scene. She’s nice and warm and very down to earth. Taong-tao siya,” sabi pa ni Diane.
Diane studied filmmaking sa NYU kung saan din nag-aral sina Richard Gomez at Eric Quizon, but she’ll go back again to study on some aspects pa about the whole movie production next year. In the meantime, tutok siya sa TheRapist.
And on Ely? “We’re still friends, in fact he helped sa music ng pelikula,” nakangiting banggit ni Diane.
FINALLY AY NATULOY na rin ang premiere night ng sina-sabing the most scary film of the year, ang Darkest Night, sa Teatrino Cinema, Greenhills noong Nov. 15. Dumalo ang lahat ng cast sa pangunguna ng international actor na si DJ Perry along with Anne Gauthier, Issa Litton, Marife Necesito, Jonas Gruet, Kevin Vitug and Nic Campos. Nandu’n din siyempre ang producer na si Mr. Russ Williams at Direk Noel Tan. Since uncut version ang napanood, mahaba ang pelikula (almost 2 hrs) pero nandu’n ang hinahanap ng mga mahihilig sa mga ganitong genre ng pelikula. Horror-suspense na may halong drama.
Mahusay ang mga artista sa kani-kanilang role. Revelation para sa amin ang baguhang si Anne Gauthier, ang Fil-French sa una niyang pelikula. She acts naturally at ang hahaba ng lines niya na kering-keri lang. Ganu’n din si Issa Litton na kilalang sikat na model at host na p’wede ring isabak sa aktingan. Of course given na ang husay ni Marife Necesito na kilala bilang indie actress. Dito with Nic Campos na kilala bilang maga-ling na international stage actor. Pero ang inaabangan ng lahat ay ang guwapong si DJ Perry, since kilala siya bilang magaling na international actor. Hindi naman nabigo ang lahat sa kanya dahil nagmumura ang screen presence niya. Ang guwapo-guwapo talaga niya in most of his scenes kahit natatakot na siya. May “intimate” din sila ni Anne kung saan nag-topless si DJ at tumambad ang sexy niyang katawan.
We are pleased about the movie, natakot kami ganu’n din ang audience. With that, we think na sure winner ito kapag ipinalabas na sa mga sinehan. Sa lahat ng bumubuo ng Darkest Night, congratulations!
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer