Manager ng Clique5, umalma sa masamang pagtrato ng manager ni Xander Ford!

CLIQUE 5

HINDI KAMI sang-ayon sa pagtratong ginawa ng manager ni Xander Ford at ng grupong Upgrade sa  manager ng Clique5 (Len Carillo) at sa boy group mismo happened last Saturday night.

Hindi rin maganda na ipinagtabuyan niya ang mga bata palabas ng kanyang little studio.

Nang mabasa namin ang palitan ng conversation ng manager ng Clique5 at ng manager ni Xander (na di kami sure kung sino sa kanila – si Vince ba o si David) ay medyo na-off din kami.

Kinausap namin sa phone si Len at in-explain niya nang maayos ang nangyari. From her end, may karapatan siyang tumalak at magreklamo. Kung sa simula pa lang ay sinabi na sa kanya na maliit lang ang studio na rerentahan at hindi kasya ang 7 members ng Clique5, naiwasan sana ang problema.

“Puwede namang maging honest, di ba? ’Yung totoo lang sana, hindi yung iba ang sasabihin. Kita mo naman kung gaano kalaki yung studio ko, pero dahil may contract yung nagre-rent do’n at kailangang mag-rehearse ng Clique5 para sa kanilang concert kaya humanap kami ng rerentahan for that day,” buwelta ni Len.

Masyado ring in-under estimate ng manager ni Xander ang kakayahang magbayad ni Len. Hindi kasi nila kilala kung gaano ka-galante sa showbiz ang manager ng Clique5 at presidente ng 3:16 Events & Talent Management. 

Medyo nakaka-off din ang text message na ito kay Len ng taga-Star Image na, “Di kita ka-level. Squatter! Shooo! Sa kalsada mo na lang pag-rehearse mga alaga mo wala ka pala budget.”

Pati ang concert ng Clique5 on Feb. 27 sa Music Museum ay pinagdiskitahan din ng manager ni Xander.

“Siguro first and last n’yo na yan sa Music Museum. Kasi for sure, lalangawin yan. Kasi kami, di ko na mabilang kung nakailan na kaming produce ng successful shows shows sa Music Museum. Pakitanong na lang, ha.”

Ay, ang bad! Huwag masyadong mayabang. Huwag ganyan, ha!
 
Dapat wini-wish natin nang mabuti ang sinumang nagsisimula pa lang sa showbiz industry tulad ng Clique5. Dapat din na we will treat the people nicely, regardless kung poor o rich ba sila. Tsk. Tsk. Tsk.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleDAHIL WAGI SA DHAKA INT’L FILMFEST: Allen Dizon, naka-pitong international best actor trophy na!
Next articleBUKING NA!!! James Reid at Nadine Lustre, napaamin ni Vice Ganda na laging magkatabing matulog sa gabi!

No posts to display