Except for paid PR jobs commissioned by managers for their artists, hindi na kailangan pang i-acknowledge, much less thank the writer’s work. After all, bayad ‘yon in much the same way as a writer-presscon attendee is expected to deliver his work.
Pero iba kung nakakatihan lang ng writer na isulat either ang manager o ang kanyang alaga, maybe, he finds something newsworthy about his subject. In which case, thanking the writer at the very least should be in order.
Unfortunately, kawalan ng pasasalamat ang puwede naming sabihin tungkol kina Noel Ferrer at Gio Medina, managers of Vin Abrenica and Mark Neumann, respectively.
Bukod sa tatlong tabloid ay nagsusulat din kami sa isang broadsheet. On separate columns namin isinulat si Vin Abrenica for his act of heroism at sina Mark Neumann at Gio. May at June lumabas ang mga artikulong ‘yon.
Dahil hindi kami FB-connected ni Noel, nag-request kami through a common friend na i-share ang aming writeup sa kanyang FB wall. Personal naman naming itinimbre kay Gio ang aming writeup para i-google na lang niya.
To this day, wala kaming natatanggap na feedback from Noel. Kesyo busy naman si Gio he hasn’t googled the article.
Siguro nga’y masyadong busy sina Noel at Gio sa paghahanap ng trabaho para sa kanilang mga sikat na sikat na alaga that a simple thank you note is a luxury more than a decent gesture na pinagkunan nila ng libreng publisidad.
WHEN CAN Pinoy hospitality be overboard? Ito ang aral na hatid ng “Ismol Family” this Sunday.
Aburido si Jingo sa pakikitungo nina Mama A., Lance at Bobong sa mga pasaway na nakikitira sa kanyang bahay. Nagkataon namang dumating ang mag-asawang balikbayan na sina Alex at Arlene, mga kabarkada nina Jingo at Majay, na kanilang pinatuloy sa kanilang tahanan.
Iniisip ni Jingo na baka sa pamamagitan ng mga bagong bisita ay matututo si Mama A at ang kanyang mga alipores ng tamang pag-eestima sa nakikitirang bisita. Pero taliwas sa inaasahan ni Jingo ang nangyari because it turns out na hindi pala maganda ang ugali nina Alex at Arlene.
Samantala, ikinababahala naman ni Yumi ang naging hula sa kanila ni Kitten na hindi sila magkakatuluyan ni Ethan. Mararamdaman din ng dalaga ang lungkot ng kawalan ng mapag-arugang nanay nang ibinida ni Kitten ang pag-aaasikaso ng ina nito sa kanya.
All this and more ngayong Linggo sa “Ismol Family”!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III