PSSST! PULITIKA, Showbiz, Sport, Swarding, Tsika! Hala bira na naman tayo sa mga nakakalokang intriga sa pulitika at showbiz. Kasi nga naman, malapit na ang eleksyon.
Ano ba naman ‘yan, manalo lang sa eleksyon pati relihiyon ginamit na? Kasi nga naman, gaganap daw na Ka Felix Manalo, para suportahan ng INC, si Richard Gomez, para sure winner na sa pagka-mayor. Gayundin ang iba pang perso-nalidad.
Kasi sa pagpapalabas ng Sugo, totoo palang walang mga talent fee na hiningi ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado sa pagpayag nilang gawin ang naturang epic movie mula sa buhay ng Iglesia Ni Cristo founder na si Felix Manalo. Say raw ng manager ng dalawa na si Lolit Solis sa launching ng movie sa QC Sports Club na nakapanayam ng aking parazzi girl.
Ayon pa kay Lani, nang inalok sa kanila ni Bong ang magandang obra, hindi na sila nagdalawang-isip pa na tanggapin ang alok at wala silang pinag-usapang talent fee. Naniniwala raw sila na malaki ang tiwala nila sa bumubuo ng INC.
At ito namang si Richard, mukhang masayang-masaya nang humarap ito sa press sa pagkasali niya sa pelikulang Sugo, The Last Messenger.
Ito yata ang unang pagkakataon na mag-produce ng pelikula ang mga kapatid nating Iglesia ni Cristo bilang pagkilala sa malaking kontribusyon sa buong mundo ng nasabing relihiyon. Dahil si Richard ang gaganap bilang Ka Felix, kaya ngayon pa lang marami na ang nag sasabi na nangangamoy na ang panalo ni Goma bilang mayor sa 2013 elections, kung saan kumakandidato siyang mayor ng Ormoc City, kung hindi ma-disqualify ng Comelec, at siyempre kasama na rin ang kanyang asawang si Lucy Torres-Gomez na re-electionist bilang congressman ng nasabing bayan.
Kasi ‘pag sinuportahan ka ng INC, hindi n’yo ikakaila na sure winner ka na. At tulad din nina Lani at Bong, hindi rin siya tumanggap ng TF. Pero pa-humble effect pa rin si Goma na sabi niya, hindi naman ganon, pero sana makalusot.
Kaya lang, ang tanong ng bayan, hindi kaya siya nangangamba na baka kuwestiyunin siya ng kanyang kalaban kung bakit siya tumanggap ng pelikula ngayong kandidato siya sa 2013 election, kung saan nasa regulation yata ng Comelec na kailangang magbakasyon ka muna sa mundo ng showbiz sa sino mang political aspirant?
“Sa totoo lang, hindi maiaalis ‘yan sa ibang tao na may ganong impresyon, ‘di ba? Pero hindi ko tinanggap ang project para mamulitika. Besides, hindi naman next year gagawin ‘yun kundi sa 2014 pa. Bale in time ng centenial celebration ng mga kapatid natin sa INC,” say ni Richard.
Ang gusto raw talaga ngayon ni Goma ay masundan na nila ni Lucy ang kanilang unica hija na si Juliana, kasi dose anyos na ito. Sabi nga niya, “Yeah, I’ve always wishing na masundan na siya, it’s been twelve long years na kasi,eh! Kailangan naman kasi ni Juliana na magkaroon na ng kapatid. That’s why we keep on praying na mabigyan kami ulit ng anak ni Lucy.”
Gusto daw ni Goma na madagdagan nang ma-dagdagan pa ang kanilang anak. Pero bilib din ako sa dalawa, at least kahit abala na sila sa pulitika, hindi pa rin nila napapabayaan ang kanilang propesyon, ang showbiz. ‘Yun na!
PITIK-BULAG: Sino itong pamosong manager ng mga talent na grupo ng third world na mismong sa kanila nanggaling na napapabayaan na sila ng kanilang manager?
Nagugumon na raw kasi ang manager sa casino. Ang siste pa nito, halos ubos na raw ang kabuhayan nito, kaya laging nag aaway sila ng kanyang ka-live in na dati rin niyang talent. Kaya litung-lito na raw itong mga grupo ng mga beki na gusto nang mag-babu!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding