“When I presented the trailer to the bosses, they had the same remarks. And after din nung Jowable, yan din ang sinabi nila,” kuwento ni Direk Darry sa PUSH sa ginanap na digital presscon ng Mananangal.
Pero kaagad niyang nilinaw na hindi niya raw intensyon at lalong hindi sinasadya na sundan ang mga yapak ng yumaong filmmaker.
“Ang kapal na lang ng mukha ko kung sasabihin kong sumusunod ako sa yapak ni Direk Wenn,” reaksyon pa niya.
“Pero kung maaalala n’yo, nung ginagawa niya yung Tanging Ina series sinasabihan din siya ng mga tao na laging ano… Na walang kuwenta yung ginagawa niyang pelikula at para lang sa mga hindi nag-iisip or something like that.
“I look up to Direk Wenn because he is a master story teller. I’ve always admired all his works, kahit comedy pa yan or teleserye pa yan — Marina, lahat.
“Mataas ang respeto ko sa kanya. Though wala na siya, he’s gone too soon, yung epekto niya sa akin as a filmmaker and as a storyteller, is really really big,” patuloy niyang paliwanag.
Dagdag pa ng direktor, “So when people say na parang may Wenn Deramas vibe or something like that, kinikilig ako do’n. Pero napakasaya ko tuwing sinasabi yan. Lalo na pag from the press. Kasi you people are really the ones who make or break a person, eh.”
Ang Manananggal na Nahahati Ang Puso ay pinagbibidahan ng dating PBB housemate na si Marco Gallo at ng dating Pinoy Dream Academy alumnus na si Aubrey Caraan. Magsisilbing launching movie nina Marco at Aubrey ang naturang pelikula kaya nagsusumamo si Direk Darryl na sana raw ay suportahan din ang kanyang mga bida.
“Eto lang masasabi ko Tito Leo, kung paano n’yo sana ako binigyan ng kaunti at maliit na espasyo sa showbiz, sana ibigay din natin yon kay Aubrey Caraan at Marco Gallo,” pakiusap niya.
“Sapagkat, aside from the Beks Batallion (na kasama rin sa movie), sila pong dalawa ay napaka-deserving sa pagtitiwala ng press people. Napakababait at totoong tao ng dalawang iyan. Sana suportahan n’yo sila,” diin pa ng Manananggal director.