ALAM NA ng mga kapitbahay na Disyembre na ‘pag nakita si Mang Mario na nagpipintura sa aking munting bahay sa Pasig City. Walang paltos ang pagpipintura niya taon-taon. Bagay na ‘pag minsan, pinagtatalunan namin ng maybahay ko. Nais ko kasi laging spic-and-span ang bahay, malinis ang kapaligiran. Dahil dito, mahigit nang sampung taon ang bahay nakatayo subalit parang laging bago pa rin.
Si Mang Mario, 58, ay namamahay sa Victoria, Laguna. May matipunong pangangatawan, maitim at may mahabang buhok, siya ay isa ring mangi-ngisda pag ‘di nagpipintura. Dahil sa sobrang paninigarilyo, lagi siyang paubo-ubo at nagrereklamano ng matinding rayuma.
Nalilibang akong pagmasdan siyang magpintura. Masinop, matiyaga. Walang aksayang patak ng pintura na pumapatak sa sahig o lupa. May kabagalan lang. Subalit sulit sa quality ang trabaho.
Ewan kung bakit nakagaanan ko ng loob si Mang Mario. ‘Di ko mawari kung bakit special ang pagtingin ko sa kanya. Isang simleng pantasya o ilusyon sa buhay. Ngunit sa kanyang kasimplihan, malalim at malawak ang kanyang pag-iisip na lagi kong kinapupulutan ng magandang aral.
Dasal ko lang, tatlong beses kaming kumain araw-araw. Ligtas sa malubhang sakit at kapahamakan. May bubong ang bahay laban sa araw, ulan at bagyo at may banig na matutulugan. Dasal ko, makapagtapos sa pag-aaral ang aking tatlong anak, makapagtrabaho at makapagpundar ng kani-kanilang pamilya. Dasal ko, makatulong sa katulad kong dukha, sa bayan at maglingkod sa Diyos. Simpleng wika niya.
Simpleng pananaw o pamantayan sa buhay. Ngunit kay Mang Mario ay sapat na sa kanyang uri ng kaligayahan. Nagpagising ito sa aking nababagot na isip. Ang paghahanap ko pa sa buhay ng mga ‘di na dapat hanapin, ang pagkamakasarili lamang.
Sasama na ako sa munting paraiso at panga-rap ni Mang Mario. Tungo sa isang matahimik at mapagpalayang buhay.
SAMUT-SAMOT
US SECRETARY of State Hillary Clinton says she wants to step off the “high wire of American politics” after two decades. She says she is ready for a rest and is paying no attention to Republican presidential debates. “I have been around and tired as a senator and aspiring presidential candidate and finally the top US diplomat,” she adds.
WELL APPRECIATED ang performance ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa impeachment trial. Subalit payo ng marami ay iwasan niya ang pagiging masyadong emotional at high strung na maaaring makasama sa high blood pressure niya. Kung maaari, huwag niyang masyadong sabunin ang mga tatanga-tangang prosecutors. Sa lahat-lahat, she is playing a very important role sa hearing. Sa galing ng utak niya, marami siyang naituwid na mga procedures na nagpapabilis sa proseso. Solid asset siya ng bayan.
NANGAKO SI controversial political adviser Ronaldo Llamas “that from now on, he will be careful and prudent in all his official and personal affairs”. His apologies have been accepted by no less than P-Noy. Sa totoo lang, he plays a very important role in Aquino’s government. Trusted na trusted siya on matters na hindi puwedeng ipagkatiwala ng Pangulo sa iba. After this experience, he should move on. And become wiser.
NAKABUBUTI NA personal na ininspeksyon ni P-Noy ang kalagayan ng mga inmates sa Muntinlupa. Namalas niya ang kalunus-lunos na kalagayan ng mahigit na 25,000 na bilanggo na biktima ng overcrowding, unsanitary conditions, at health problems. Humiling siya sa Kongreso ng dagdag na budget sa National Penitentiary. Karaminan din sa mga inmates ay matatanda na at mga may sakit. Dapat repasuhin ang parole procedure para mapabilis ang proseso.
SI LAWYER Art Lim, member ng prosecution team sa impeachment trial ay kakatwa. Kahit anong paglalait at personal insult sa kanya ng isang Senator-Judge, kalma pa rin siya. ‘Di niya pinapatulan ang tantrums ng senadora. Eksperyensado. At matalas ang isip. Buti na lang at nagpa-participate actively si Rep. Rudy Farinas. Kailangan siya ng prosecution na ginagawang sisiw lang ng defense panel led by retired Justice Serafin Cuevas.
DOTC SECRETARY Mar Roxas is turning out to be a dud. So far, he has not shown any dramatic accomplishments. We thought all the while that he will be a great asset to P-Noy but he is proving us all wrong.
IPASA KO sa inyo ang ilang inspirational lines sa bagong aklat ni Fr. Gerry Orbos, “Treasured Moments”.
It was just a simple, old wristwatch that I gave him but I remember it gave a smile to one Filipino missionary in Africa; or how a used laptop gave so much joy to a missionary departing for the foreign mission for the first time. Yes, both little things mean a lot for the receivers and for the giver. As we all know, generosity has tremendous effect for both receiver and giver.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez