THE CHIZ Escudero–Heart Evangelista Manila reception—three days after their island wedding in Balesin—was one of opulence. But wait, there was more: abundance.
Imbitado ang inyong lingkod bilang katrabaho ng ngayo’y isa nang ganap na Mrs. Love Marie Ongpauco-Escudero na ginanap sa Blue Leaf Filipinas, but because of a family affair ay hindi kami nakasipot. Pero nakibahagi naman sa okasyon ang marami sa creative staff ng Startalk, complying with the dress code.
Ayon sa kuwento ng aming co-workers, not a single seat at the reception hall was left vacant (as opposed to a similar event na kalahati sa mga nakabalandrang mesa, ni multo ay walang nakaupo!).
Food came in torrents, all palate-friendly (again, as opposed sa naunang pagtitipon na malamig pa sa ilong ng pusa ang sabaw, mismatched menu set, poor service, etc.!)
At ang nakaloloka, about 20 litsong baka—all untouched at hindi napingasan man lang kahit dulo ng tenga—ang natira! Pinipilit nga ng mga waiter na iuwi na lang ng mga bisita ang sayang namang roast calves.
Biro nga namin sa isang gay co-worker, we would have aptly given a title sa eksenang bitbit niya pauwi ang litsong baka kesehodang naka-coat and tie siya: Ang Beki At Ang Baka.
Meanwhile, sa March 1 at March 8 mapapanood sa SNBO ng GMA ang wedding at reception coverages ng newlyweds.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III