MERONG ISANG bagay na nagpakita ng kakaibang power ni Manny Pacquiao.
“What Manny has done is he unites a nation,” sabi ni Paul Soriano, director ng Kid Kulafu, a Manny Pacquiao movie tungkol sa buhay niya noong kanyang kabataan.
“Where can a hundred million people come together for an hour and just be at peace. He is able to unite networks. He is able to unite, you know, big networks abroad. Endorsements, he is able to unite them. I felt, wow this young boy who grew up in Saranggani, in Bukidnon, in the mountains… is able to influence not just the Philippines but the world. On May 3, here in the Philippines the world will stop and watch our hero Manny Pacquiao carry that flag,” say ni Direk Paul.
Three years in the making ang Kid Kulafu dahil sa extensive research and interviews na ginawa ng team ni Paul.
Si Buboy Villar ang gumanap na young Manny at perfect siya sa role. Bisaya rin kasi siya and the parallelism does not stop there. Tulad ni Manny, nanggaling din si Buboy sa broken family. Ang akala nga ni Buboy ay mawawala na siya nang tuluyan sa showbiz dahil at 17 ay nasa awkward stage na siya. Biggest break niya ang Kid Kulafu na isasali rin sa iba’t ibang film festivals abroad.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas