ITINANGGI NI MANNY Pacquiao ang balitang dinis-approve siya ng Manila Polo Club nang siya ay magtangkang magpa-member sa nasabing grupo ng mga mayayamang elitista.
“Hindi totoo ang balitang iyan. Hindi naman ako nag-aaplay, bakit naman ako madi-disapprove,” sabi ni Manny nang makausap namin ito sa award-giving ng Habitat na ginawa sa Ayala Museum.
Tatlong ektarya at posibleng madagdagan pa ang lawak ng lupaing nakatakdang ipamahagi ni Manny sa kanyang mga kababayan sa Saranggani.
“Marami akong lupain na ipa-mimigay sa mga kababayan nating walang mga bahay. Masarap kasi ang pakiramdam na nakakatulong ako sa marami nating kababayan at iyon talaga ang pangarap ko sa kanila, ang mabigyan sila ng maganda at maayos na bahay.”
Sa kabilang banda, pinagtawanan lang ni Manny ang balitang naghihirap na siya, dahil sa milyong itinatapon niya sa sabong. “May naghihirap bang mamimigay ng bahay?” Sabay halakhak ng Pambansang Kamao.
Ayon pa kay Manny, hindi raw madaling ubusin ang yaman na kung anong meron siya ngayon. “Siguro kung wala na akong pera ay hindi ko maiisipang tumulong at mamigay ng aking lupain sa ating mga kababayan.
Isa pa rin sa nilinaw ni Manny ay ang tungkol sa lagi siyang absent sa Kongreso. “Natural hindi ako makaka-attend kapag may laban ako, pero kung wala namang da-hilan, eh, nag-a-attend ako.”
Ayon pa rin kay Manny, kaya natutuon ang pansin ng ibang tao sa kanya ay dahil siya ang higit na kilalang congressman. “Marami naman diyan ang absent nang absent, pero hindi nila napupuna, kasi nga hindi sila napapansin tulad ko.”
Sa kabuuan, sinabi ni Manny na bukod sa libreng pabahay para sa mga kababayan niyang taga-GenSan at taga-Saranggani, marami rin daw siyang tutulungan at ang bago niyang programa sa Siyete.
“Ayoko ng intriga. Ayoko ng gulo. Ayokong sabihing mas maganda ang show ko at ‘yung ibang show ay hindi. Basta para sa akin, kung sino ang makakatulong, mas maganda para sa marami nating kababayan.”
Usap-usapan kasi na mas pinapanood na raw ngayon ang Manny Many Prizes ng Siyete, kumpara sa Will Time Bigtime ni Willie Revillame.
Sa kabilang banda, nakakatuwa naman si Karen Davila. first time naming makasama sa isang interview si Karen, pero nakakatuwa siya sa Habitat, dahil matapos naming kausapin si Manny Pacquiao, asikaso niya to death ang media. At para sa iyo Ms. Davila, mabuhay ka!
BONGGA AT NAPA-KARAMING tao at artista ang dumating sa birthday party ni Ms. Cristy Fermin na ginawa sa Zirkoh kamakailan. Saksi ang Pinoy Parazzi sa pagdating nina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado, Anjo Yllana, Toni Gonzaga, Rayver Cruz, Tirso Cruz III, Erik Santos, Nadine Samonte, Angel Locsin at marami pang iba.
Sa nasabing okas-yon, nakausap natin si Ai-Ai delas Alas. Ayon kay Ai-Ai, hindi pa sila nagsisimulang mag-shooting ni Vic Sotto para sa pelikulang pagsasamahan nila sa darating na Metro Manila Film Festival. “Wala pa, hindi pa kami nagsi-shoot. Pero baka next week, mag-start na, kaya wala pa akong maikukuwento sa inyo tungkol sa movie namin.
Ayon kay Ai-Ai, dati ay magkalaban sila ni Vic sa Metro Manila Film Festival. Pero ngayon, magkakampi na sila. “Para maiba naman. Parang mas maganda naman ‘yung magkasama kami.
May nagtanong kay Ai-Ai kung ano ang pakiramdam niya ngayong hindi niya makakasama si Eugene Domingo sa MMFF? “’Yun ang akala ninyo. Hindi ko makakasama si Eugene? ‘Yun ang akala n’yo!” Dalawang ulit na sabi ng aktres at sinabayan nang masayang halakhak.
Noon ay si Pokwang, sumunod si Eugene, at ngayon ay si Vice Ganda na raw ang bagong Comedy Queen. “Ganu’n talaga ang buhay, kung sino ang sikat ngayon, siya ang sinasabing bagong Queen or King, basta nandito lang ako, work lang nang work at wala namang problema sa akin kahit sino pa ang sabihing kapalit ko as long as may raket ako, masaya ako nu’n.” Pag-wawakas ni Ai-Ai delas Alas sa Pinoy Parazzi.
More Luck
by Morly Alinio