Manny Pacquiao, ‘di talaga pulitiko!

ANYTIME NOW, EXPECT a “resignation en masse” ng mga bumubuo ng staff ng Wil Time Big Time. Like the Biblical exodus from Egypt en route to the Promised Land, isang buhat na lalayas ang mga tauhan ni Willie Revillame — not to the Land of the Pharaohs though.

Bumaba na kasi ang appellate court decision in favour of Willie, kung saan walang nakitang paglabag o infringement ang naturang programa — as far as its creative aspect is concerned — na ipinupuntos laban dito ng ABS-CBN. As a result of this continuing legal battle, ipinag-utos ng Court of Appeals na isoli sa kampo ni Willie ang P140 milyong cash bond na ipinost nito.

Figuratively, ang tinutukoy naming mass resignation ng production team ni Willie ay ang pansamantalang pagbabakasyon — a well-deserved one, in fact — from all the legal hassles and struggles that it has been going through. At dahil ang naturang halaga ay ipinag-uutos ng hukuman na ibalik kay Willie, balak ng TV host na i-treat ang kanyang matatapat na tauhan to an Asian tour (Hongkong, Thailand and Singapore)!

Teka, sobra-sobra pa ang milyones na halagang iba-balik na cash bond kay Willie kahit ikutin ng kanyang staff ang mga naturang bansa… why not include those from ABS-CBN na puwede naman niyang isponsoran ng libreng biyahe even if the same people have made his “journey,” so far, difficult to this legal success?

FIRST (AND FIST) and foremost, Manny Pacquiao is a boxer. Kung pinalad man siyang maging Sarangani Representative is an interesting twist to his story.

Halos kailan lang nu’ng pumasok si Pacman sa isang kasunduan sa ngayo’y Gobernador ng naturang lalawigan. Malayo pa man ang 2013 elections, Manny has acceded to run as Governor, switching posts with the incumbent na tatakbo naman sa Kongreso.

Again, we maintain our stand: more than anything, isang boksingero si Manny who fights and wins his fights at the ring.  Hindi siya isang tunay na pulitiko, na dapat sana’y naghahanda sa susunod niyang termino bilang kinatawan ng Sarangani sa Lower House at kung sakali, sa ikatlo pa niyang paninilbihan.

Heto ang balita — based on his interview nang lumapag siya sa bayan ng kanyang makakatungga-ling muli na si Juan Marquez — target naman daw ni Manny ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa by 2016.

But the good news is that: Manny did some rethinking, hindi na raw niya itutuloy ang kanyang plano perhaps after getting enlightened by the Comelec ruling. Pero in hindsight — bago ang inilabas na batas ng natu-rang ahensiya — here are but some of our thoughts about Manny’s hasty decision.

Unang tanong, bakit nalaman lang natin ito nu’ng nasa Mexico na si Manny? Why did he not announce it before he left the country?

Ikalawa, nagpahayag na ang Comelec na hindi siya kuwalipikado para tumakbong Bise Presidente dahil by 2016 ay 37 pa lang ang kanyang edad, short by three years? Natu-ringang Kongresista si Manny, pero wala siyang alam sa age requirement ng posisyong pinupuntirya niya?

Ikatlo, hellooooo! This says it all.

GMA’S NIGHTLY INSIDE Protégé is a collection mainly of outtakes from its weekend edition. Dito nakapaloob ang mga kuwentong nasa likod ng mga kalahok sa tinaguriang ‘battle for the big break,’ not necessarily a recap of the pre-vious proceedings na naiere na.

Mas batbat ang Inside Protégé ng emosyon, kung saan ipinakikitang dumarayo pa ang mga mentors sa kinaroroonan ng kanilang mga pros-pective protégés across the nation only to literally haul them all the way to Manila for the shortlisting process. May mga kabog mag-perform in their rawest of performances, pero pagdating sa Maynila ay dinadaga sa harap ng mga mapanuring hurado led by the assigned mentor.

Inside Protégé is a peek into the lives of the singing aspirants, without scripts nor rehearsed blockings that makes it all the more spontaneous and human. Tanong ko lang, talaga bang hanggang sa pagdya-judge, eh, nagpapakasenti pa rin ang mga Jukebox Queens na sina Claire de la Fuente at Imelda Papin?

Enough of maudlin rush and cheap sentimentality!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleDanita Paner, ‘di type patulan ang pang-iintriga kina JC de Vera at Jasmine Curtis-Smith!
Next articlePinipigilan lang ng pamilya Albie Casiño, gusto nang makipag-ayos kay Andi Eigenmann?!

No posts to display