CLOSE TO ONE billion pesos ang total winnings ni Manny Pacquiao sa kanilang sagupaan ni Miguel Cotto nitong Linggo (Manila time).
At totoo nga bang US$2 million buhat sa halagang iyon ay ibinigay-ibinalato ni Pacman kay Krista Ranillo bilang pampatayo ng restaurant? Bago ang naturang laban, nabalita nang binigyan ni Manny si Mat Ranillo III, ama ni Krista, ng limang milyong piso bilang campaign fund nito.
Kung totoo man ang nakalululang act of generosity ng Pambansang Kamao (regardless of reason or rhyme), nao-audit ba ito ng kanyang maybahay na si Jinkee?
A TOTAL OF five missions in Mindanao ang nilahukan na ni KC Concepcion as part of her United Nations involvement in reaching out to the hungry children.
Pero sa pagkakataong ito, katuwang na ni KC ang Swatch as it notches its 20th year in the Philippines. Alam ng lahat that KC was born with the proverbial silver spoon in her mouth. Hindi niya alam ang mukha ng kahirapan, but back in school, ang ganito raw na uri ng pagtulong sa mga batang walang makain has always fascinated her.
Thanks, too, to Rowell Santiago, one of the few good men in the field of directing, dahil sa kanya galing ang Swatch slogan na “KC Cares, Swatch Shares.”
Ineengganyo ng Swatch ang mga nakaririwasa nating kababayan na tangkilikin kahit ang pinakamurang timepiece nito from its Fall/ Winter 2009 Collection dahil ayon kay KC: “It only costs P10 to feed a hungry child a day.”
This explains Swatch’s 2010 theme, as obviously opposed to the catastrophic 2012 movie na sayang lang ang oras at pera kung panonoorin n’yo!
BLIND ITEM SA kabila ng maraming attempts na kunan ng pahayag ang isang TV director tungkol sa dati niyang nobyang aktres na nauugnay ngayon sa isang sikat na personalidad ay bigo ang press.
Kunsabagay, kahit naman noong meron pa silang relasyon, the TV director would always shy away from questions pertaining to his actress-girlfriend. Kahit noong nagpa-sexy ang aktres sa isang men’s magazine, even much to her actor-father’s dismay, ay kakarampot din lang ang napiga ng press from the TV director, lalo pa kaya ngayong they seemed to have burned bridges?
Sa mga hindi nakaaalam, ang TV director na ‘yon ang nagpaaral sa aktres sa isang reputable university: from tuition fees to school requirements to supplies.
Pero ang aktres ang tila hindi natuto from her formal education. Mas nakapulot pa ng aral ang TV director mula sa karanasang maaaring pinagsisisihan niya ngayon.
Sana, SAPANTA-ha lang ito. Gets?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III