OMG! NAGULANTANG lang po ako rito sa nabungaran kong mga pinost ng isa kong kaibigan na nasa Califonia, USA, sa mga awardee kuno nitong Gawad Amerika ek-ek award.
Bakit kamo? Kasi hindi ko alam ang basehan kung pa’no nila napili ag natu-rang mga awardee. Ano ang criteria? May screening ba ito, para may pagpilian? At bakit ang mga awardee, karamihan recruit dito sa Pilipinas, na ang award ay Gawad Amerika, kung saan dapat ang mga Pilipino na nagkaroon ng magandang achievements sa America?
Hindi ko kasi maintindihan. Ang iba p’wede na, pero ang iba aywan ko kung bakit sila nagka-award. P’wede sigurong bogus award kasi parang nakakatawa sila. Akala nila, mabuti para sa kanila ang award na ‘yan. Hindi nila alam na pinagtatawanan sila ng mga may alam sa ganyang raket.
Kung sino man ang mga nasa likod nito, hindi ko sila pinapangunahan. Nagtatanong lang po ako, kasi sa true, napakatagal ko na sa industry, hindi ko kilala ang iba d’yan, kung ano ang naiambag nila sa lipunan para mabigyan ng award? Kung may datung ka, may award ka. ‘Yan ang nakarating sa akin sa isa kong kakilala na isa ring awardee. Kaloka!
Ito po ang mga awardee. Sino ang karapat-dapat at sino ang hindi? Gawad Amerika 2012 featuring Lifetime Achievement awardee: Jinggoy Estrada; Lakandula awardee: Rep. Manny Pacquiao; Public Service awardees: (Nagtatanong lang ako, bakit at bakit? Atty. Persida Acosta, Vice-Mayor Isko Moreno, Sen. Loren Legarda; and others awardees, actor Eddie Garcia, Dr. Pie Calayan, Dr. Manny Calayan, Vice-Gov. Daniel Fernando, Mayor Conchita delos Reyes, Dr. Rommel Yumul, Cherry Ordoñez, Andy Edralin, Steve Angeles, Yvee Tadeo-Guevaara, Eduard Perez, Rev. Frank Paras, Jr., Dr. Nel Azualo, Alex Lagman, Raffy Tulfo, Raia Quiroz, Ester Barbarsa, Benny Antiporda, Atty. Francis Papica, Nico Valencia, Lance Raymundo, Cristina Decena, Joel Cruz, Edcel Sotiangco, Lianna Gutrierez, Joey Belmonte, Bowie Mariano, Desiree Azula, Rebecca Lim-Sotiangco, Kezia Marie Arevalo, Massia Munson, Aldric macaibay, Marlene Dizon, Antonio Maximo, Allyson Catimbuhan, Patrick Francisco, Margaret Barros, Summer Barros, Chino romero, at Mijaela Bautista.
Mga hindi sumipot sa awards night sina Sen. Loren, Rep. Pacquiao, Kay Dacer, Eddie Garcia to name a few. Alam kasi siguro nila na katawa-tawa ang ganitong awards na wala naman sa panahon. Kakaloka talaga ang mga ganitong award, kasi lumalabas na parang ginagamit lang nila ang personal interes at lalapitan kung sino ang mauuto nila na madatong at p’wedeng magyabang para masabing may awards sila.
Hindi ko po sinasaklawan ang kanilang organization. Kaya lang, dapat may mga basehan talaga at nararapat sa kanila ang naturang award ek-ek.
Pati ba naman sa Amerika, nakakarating na ang ganitong kalakaran?
SA MGA nag tatanong sa akin kung ano ang ibig sabihin ng PSST na karagdagan ng titulo ng prog-rama kong OLA CHIKKA NA! Ito po POLITIKA, SHOWBIZ, SCANDAL, TSIKA! O, ‘di ba, bongga?! Sana makinig kayo lagi sa aking mga program sa DZRH.TV, DWSS. PINOY RADIO U.K. London, at siyempre rito sa PINOY PARAZZI.
Salamat sa inyong lahat. Vilmanians, luv u all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding