OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes…now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng mga eksenang chikkahan.
Maloloka ka talaga sa Earth, dahil sa mga chikka lalo’t nawala ako nang ilang araw. Nagpupunta kasi ako taun-taon sa Cebu dahil sa aking panata. Umaakyat ako sa Simala, at natutuwa naman ako, dahil ang sakit ko, kapag umaakyat ako sa Simala kay Mama Mary, parang wala akong nararamdaman. Kaya ayun, taon-taon akong nandoon.
Nagulat lang ako na habang nandoon ako, nakakuha ako agad ng scoop na nakawiwindang. Marami kasi ang nagbubulung-bulungan sa paligid ko na ilang deboto ni Mama Mary ng Simala, Cebu. Masama raw ang loob nila sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa pagtiwalag bilang deboto, na nakikita pa ang pictue nila sa kuwadro na may signature pa nila na ‘answered prayer’.
May narinig pa akong aalisin na ang picture nila, kasi iba na ang relihiyon nila. Siyempre nga naman, marami ang magre-react na mga deboto, dahil nga nag-iba na sila ng relihiyon.
Nakakaloka! Pero okay lang kung ano ang kagustuhan ng mga namamahala sa Simala. Masasabi nga natin na ganu’n talaga. Na gusto lang sigurong patunayan nina Manny at Jinkee na ‘answered prayer’ talaga sila. Na totoo naman, dahil ako nga mismo ay ganu’n din, lalo na sa karamdaman ko, na sana talaga ay magtuluy-tuloy na ang paggaling.
Ang tanong ko lang, bakit kaya hindi magpunta si Annabelle Rama du’n? Malay mo, magbago na siya. Nakakalokang eksena rin ang chikka na saktong pagdating ko sa Cebu, siya naman ang paalis. At hindi siguro kami pinagtagpo ng tadhana.
Kaya pala talagang lagi siyang naglalagi sa Cebu, eh dahil sa pagtakbo niyang congresswoman. Marami rin ang nagkukuwento sa akin na bakit naman siya tatakbo sa pulitika, eh kung mismong ang sarili nga raw niya ay puro negatibo ang mga ginagawa. Dapat kung ako sa kanya, magpakabait muna siya, para naman mabawas-bawasan ang mga ganyang ugali niya sa showbiz industry.
At in fairness naman, marami rin pala ang pumupunta sa Cebu for personal appearance, at may mga balita rin ngang bumubuo ng basketball team tulad nila Gerald Anderson sa halagang P300,000. Taray, ‘di ba? Kung tutuusin, napakamura lang nu’n. Marami ang nagsasabi na, at siguro ay nakita nila na gusto nating tumulong. So, madali na rin para sa kanila na sabihing, ‘uy, kami rin, gusto rin naming makatulong in our own way’. Wala silang superstar complex at all bongga, ‘te!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding