HONESTLY, MINSAN LANG namin isulat sa aming kolum ang mga taong labis na-ming hinahangaan. At this time ay gusto naming palakpakan ang manager na si Noel Ferrer. Bakit? Simple lang. Karamihan kasi sa mga manager ay walang ibang inisip kung paanong pagkakakitaan ang kanyang mga talent, at dito naiiba si Noel. Si Noel, nag-iisip kung paanong magiging abala ang kanyang alaga bukod sa kumikita na ay may natutunan pa itong bago sa kanilang buhay.
Noong Lunes sa Cuisinier Brasserie Studio ay nakita namin ang kalahati sa mga alaga ni Noel. Twelve ang talent ni Noel at anim ang nakita namin na abala sa orientation ng culinary at ito ay sina Precious Lara Quigaman, Andrew Wolfe, Marco Alcaraz, Luis Alandy, Mr. Fu at si Shalala.
“After nila kasing mag-storytelling sa Enchanted Kingdom at tumulong sa Red Cross, gusto ko may iba pa silang paglilibangan bukod sa kanilang work sa showbiz. ‘Yun bang pagdating ng panahon, pakikinabangan nila, and I think dapat nilang matutunan ang culinary.” Sunud-sunod na sabi sa amin ni Noel.
Si Shalala at Mr. Fu ay nagsabing tiyak na mag-e-enjoy sila sa kanilang culinary class. Hindi man sila magaling magluto ay tiyak na may matututunan sila. Ang mag-sweetheart na sina Marco at Precious ay enjoy na nakipag-usap sa amin, kung saan ay sinabi ng mga ito na hindi lang sila nagmamahalan at kapwa-artista, magkakaklase pa sila ngayon sa culinary class.
“Matagal pa ang kasal, kasi balak nga namin this year, pero ikakasal ‘yung isang kapatid ko. Kaya parang hindi man kami masyadong naniniwala, wala naman sigurong masama kung maniwala na masama ang sukob sa taon.”
Beach wedding ang pangarap nina Marco at Precious, kung saan dadaluhan ito ng kanilang mga kaibigan.
“Ayokong ipagdamot ang aming kasal, gusto ko marami akong makitang kaibigan na naroon at i-invite siyempre namin ang media friends,” sabi pa ni Precious Lara.
Sa kabuuan, ang pagpasok ng mga talent ni Noel ay paghahanda sa kanilang magiging kinabukasan dahil alam ng manager na ang trabaho sa showbiz ay hindi pangmatagalan. At para sa iyo Noel, saludo kami sa iyo. Sana lahat ng manager ay tulad mong marunong magmalasakit sa kanilang kapwa. Tsuk!
NOON, SI MAMA Elay, sumunod si Kuya Ompang, at sumunod ay si Joel ng ABS, at ngayon ay ang dating youngstar na si Ricky Rivero na ngayon ay floor director ng mga programa ng Dos. “Nakakatakot, buti na lang sa kaso ni Ricky, buhay pa siya,” sabi ng isang kilalang celebrity na aming nakausap.
Ayon sa mga taga-showbizlandia, mapalad pa rin si Ricky kung ikukumpara sa ibang bading. At least siya, nakapagmaneho pa at nadala niya ang sarili niya sa doctor. Samantalang sina Mama Elay, Kuya Ompang at Joel, tege talaga silang nakita sa kani-kanilang bahay. Kaya ang masasabi ko lang, mga bading, ingat tayo, ha?” Tumatawang sabi pa rin iyon ng aktor na bading na hanggang ngayon, ayaw pa ring ilantad ang kanyang kalandian, pero obvious naman ang kanyang kabaklaan.
Sa kabilang banda, tinangka naming kausapin ang ilang kamag-anak ni Ricky, subalit tikom ang mga bibig nito sa usapin. Ni isa sa kanila ay ayaw magbigay-komento dahil kaila-ngan pa raw nilang pag-usapan at paghandaan kung ano ang kanilang gagawin sa kaso laban sa lalaking sumaksak sa floor director ng labing pitong ulit.
Payo sa kapwa bakla, “Tigilan muna ang panghahada. Magbayo-bayo na lang muna,” humahalakhak na sabi pa ng aming kausap.
MARAMING BUSINESSMAN ANG hindi makapaniwala kay Manny Pacquiao at nanghihinayang sa mga perang ibinibili nila ng mga ari-arian sa sobrang mahal na halaga.
“My God! Ang liit-liit ng property, tapos binili ni Manny nang P388 million? Wow!” Litanya iyon ng isang kilalang businessman.
“Actually, ang may problema rito, ‘yung mga taong nasa paligid niya. Kasi hindi man lang sila nagsa-suggest ng tama kay Manny.”
Ang sinasabing bagong biling bahay ni Manny ay nasa Cambridged na dating bahay ng isang nagngagalang Lorenzo Tan.
Pero ayon sa aming source, mas mabuti na lang ding sa bahay na mapuntang lahat ang pera ni Manny, kesa sa maubos sa sugal ang pera ng boksingero.
“Oo, sobrang mahal ‘yung mga binibili niyang property, pero okey na iyon kesa naman sa walang napupuntahan ang kanyang kinikita.” Pero teka muna, how true na hanggang ngayon ay milyon kung magpatalo sa sabong si Manny? At maging sa casino ay milyon din ito kung magpatalo?
Well… well.. well… sa palagay namin, wala namang masama kung magpatalo ng milyon si Manny, dahil ang masama kung wala siyang perang ipatatalo? Tsuk!
More Luck
by Morly Alinio