ITAGO NA LANG natin siya sa pangalang Berna-Lou Manrique (sorry, kung may kapangalan sa totoong buhay), pero hindi naman pala katandaan ang inaming naka-“devirginize” kay Aljur Abrenica. Lilinawin lang namin, babae ang unang nanlugso sa puri ng bagets actor, not by any member of the third sex.
First time din daw ‘yon ni Berna-Lou, who’s one or two years older than Aljur. Regardless of age, ani Aljur ay iba pa rin daw pala talaga ang anumang “first” sa buhay ng isang nilalang. Gayundin daw ang feeling ni Berna-Lou, forever etched na sa kanyang memory ang nangyari sa kanila ni Aljur, wa etch!
Hindi binanggit ni Aljur kung ilang beses naulit ang “first” na ‘yon. But for sure, that being his sexual awakening ay nasundan ‘yon, nasundan pa at nasundan pang muli. Sadly though, some good—and lustful—things never last.
Tulad na rin mismo ng career ni Berna-Lou, it has reached “full orgasm” that the next best thing—bukod sa pagyosi o pagmumog after a marathon in bed—was to take a rest. Ayun, namahinga na rin ang career ng hitad, it never saw “ascencion”.
Mag-clue pa ba, ‘teh?
BILANG AMERIKANO, NAKAKA-IMPRESS siyempre ang kanilang DICTION (wait lang, we oftentimes confuse this word with “accent,” but the real definition of the word is “proper choice of words”).
But for the sake of argument, sige na, patulan natin si Bob Arum sa kanyang walang-takot, walang-kilabot at walang-hilakbot na PREDICTION tungkol kay Manny Pacquiao.
In an exclusive interview in a website, hinulaan ni Bob na magiging Pangulo ng Pilipinas ni Pacman when he reaches 42. As we all know, kasalukuyang Saranggani Representative si Manny, his second attempt at politics dahil talunan naman siya nu’ng una siyang kumandidato.
Manny is thirty-something now, sampung taon pa mula ngayon ang “Nostra-Arum-us” prediction na ‘yon, that between 2011 and 2021 ay marami pang kaganapan sa bansa ang mangyayari.
Gaano ba ang nalalaman ni Bob Arum sa political landscape ng ating bansa to predict such? Bo-tante ba siya rito?
For sure, nao-overwhelm si Pacman sa far-fetched pantasya ng kanyang mismong trainor, short of saying Bob had better concentrate on the ring and sparring kesa makisawsaw sa usa-ping pampulitikang wala namang kaugnayan sa kanyang papel.
Enough of Pacman’s spreading his wings far and wide. Nakatala na siya ng pambihirang kasaysayan bilang pinakamaga-ling na boksingero sa buong mundo. It would seem like “demoting” Pacman to a national level from a global stature.
Buti sana kung keri, ‘teh, eh, hindi naman, ‘no! Eh, isang sipsip na GMA staff lang naman ang naniniwala diyan, ‘no!
BAHAGYA NAMING NA-EAVESDROP ang pag-uusap nina Ai-Ai de las Alas at Ruffa Gutierrez sa phone, sa mismong intimate pa-thank you get-together ng hitad at Romulo Café last Tuesday night.
“Ruffee, sa Saturday na lang tayo lumabas, free ako,” sey ni Ai-Ai kay Ruffa, “isama natin ni GB (Sampedro, ang director na nailink ngayon sa kanya), ha?”
By virtue of our “tropa-ship,” I would like to think that to a certain extent, kilala ko si Ai-Ai pagdating on matters of the heart. Categorically though, hindi inaamin ng hitad kung siya ba ang sumalo kay GB pagkatapos nitong hiwalayan si Candy Pangilinan.
Or, si GB nga ba ang sumalo kay Ai-Ai matapos itong kumalas sa kanyang Greek lover?
“Tumatanda na rin naman ako, bakla,” sey ni Ai-Ai sa amin, “I want a stable relationship din naman.” Kung ganu’n, si GB nga ba ang kasagutan sa mid-life crisis (read: emotional vacuum) na pinagdaraanan ni Ai-Ai?
Ah, basta, ang alam ni Ai-Ai, malaking tulong ang ipinamahagi niyang Laugh With God book authored by Bro. Michael Angelo F. Lobrin para kasamang tumawa si Lord sa lahat ng ating mga karanasan sa buhay.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III