PAGKAGTAPOS ng 26 years na karera sa pagboboksing at pagpanalo ng world titles sa iba’t ibang divisions ay nagdesisyon na si Manny Pacquiao na magretiro sa pagboboxing para pagtuunan ng pansin ang kanyang pagtakbo bilang presidente sa darating na halalan.
Now 42 years old, maraming pinasayang Pilipino si ‘Pacman’ sa tuwing siya ay nananalo sa kanyang mga laban. Ito ay binigyang importansya ng Malacañang ngayong Huwebes. Tinawag din niyang ‘greatest sport in the world’ ang boxing.
“Nagpapasalamat tayo kay (we thank) Senator Pacquiao because he has honored the country with his many successes and we share and rejoice of his triumphs as well as in his defeats,” sambit ni Harry Roque, ang spokesman ng palasyo.
“We are proud that he is a Filipino, and he has also made us very proud to be Filipinos,” pahabol pa ni Roque.
“As I hang up my boxing gloves, I would like to thank the whole world especially the Filipino people for supporting Manny Pacquiao,” naiiyak na sambit ni Pacquiao.
Narito naman ang post ni Manny Pacquiao sa kanyang Instagram account noong September 19, kung saan kanyang ikinumpirma ang pagtakbo sa darating na eleksyon.
Today, I boldly accept the challenge of running as PRESIDENT of the Republic of the Philippines, with a message to those who are taking advantage of the Filipino people: YOUR TIME IS UP!
I AM A FIGHTER.
Sa buong buhay ko, wala akong laban na inatrasan. Ang Manny Pacquiao na kilala ninyo bilang pambansang kamao, ay walang ipinagkaiba sa Manny Pacquiao na kasama ninyo laban sa kahirapan at katiwalian. Higit sa sarili, bayan dapat ang mauna.
Dama ko ang nararamdaman ninyo. Alam ko ang hirap na nararanasan ninyo at alam ko pagod na pagod na kayo. Mga kababayan, we need progress. We need to win against poverty.
We need government to serve our people with integrity, compassion and transparency.
The time is now. We are ready to rise to the challenge of leadership.
Panahon na upang manalo naman ang mga naa-api. Panahon na upang makabangon ang bayan natin na lugmok sa kahirapan. Panahon na ng isang malinis na gobyerno, kung saan bawat sentimo ay mapupunta para sa bawat Pilipino.
Ako po ay naniniwala, even the impossible can happen if it is ordained by the Lord. Walang imposible kung ito ay itinakda ng ating Panginoon.
Kaya lalaban tayo! Samahan niyo po ako!
Maraming salamat po at Mabuhay ang Pilipinas!
Goodluck sa’yo, Manny!