SI MANNY Pacquiao, isa sa pinakasikat na atleta at boksingero sa buong mundo na kilala rin bilang sugarol at isyu sa mga babae sa ating bansa, na kamakailan ay nabalitang nabago sa pag-ihip ng hangin at muling nanumbalik sa pananampalataya sa Diyos. Ito ang personal marahil niyang rebelasyon sa kanyang buhay.
Sabagay noon pa man ay makikita na natin siya sa bawat laban niya ay hindi mawawala na tumitinga-
la siya at nagdarasal. Dito ay nakikita rin nating isa siyang maginoong boksingero. Si Manny, bilang napakahusay na boksingero sa buong daigdig ay patuloy na nagbibigay-karangalan sa ating bansa sa kanyang bawat panalo. Subalit ang kanyang pangalan ay tila muling nabahiran ng kontrobersiya, nang tumutol siya diumano sa tinuran ni US President Barrack Obama: “I think same-sex couples should be able to get married.” According to ABC News.
Ngunit kung talagang ibabase nga sa Bibliya, talagang may laban ang pagtutol ni Pacquiao sa same sex marriage, datapuwa’t legal ito sa Amerika at katulad nito tayong isang malayang bansa. Ang populasyon ng Pilipinas in-general ay tutol naman sa pagtatalik or pagmamahalan ng same-sex or third sex dahil dominanteng Katotiko at Kristyano. Siguro rin naman, bilang kongresista itong si Manny Pacquiao, hindi isusulong ang praktis ng same-sex marriage na popular na sa Amerika given the fact that, kilala ang ating bansa sa pagiging moralista at sa kanyang pagtutol sa reproductive health bill.
Maraming third sex sa ating makabagong henerasyon ay kinikilala na sa lipunan, sila pa nga ay mga nakakaangat sa buhay at humahawak din ng malalaking puwesto sa ating gobyerno. Maging sa ibang bansa may mga third sex din naman na disenteng namumuhay na may asawa. Marahil sarili lamang itong opinyon o pananaw ni Manny Pacquiao, kahit tinuran niya itong may basehan sa Bibliya at natural lamang na mag-react ang mga third sex dahil si Manny ay kilalang hero ng boksing sa buong mundo at dahil sa kanyang pahayag ay lumalabas na anti-gay at lesbian siya, gayong baka ito ay isa sa populasyon ng mga tagahanga niya.
Sa isang parte, kahit tutulan man natin ito ay sadyang nag-e-exist na ang pagsasama ng mga same sex bago pa naman ipanganak si Kristo (Before Christ), patago man o lantad sa lipunan. Ang masasabi ko lang, walang kabanalan ang testamento ng kasal kung pag-iisahing dibdib ang parehong kasarian bilang legal sa anumang sekta na ang basehan ng pananampalataya ay kay Hesus. Subalit sa sarili kong pananaw, pinaniniwalaan ko pa rin ang tao o kahit mga hayop ay isinilang na ang lalaki ay para sa babae. Tulad din naman ng aking paniniwala hindi natin maaaring hatulan ang mga third sex kung sa impiyerno man o langit ang kanilang kahahantungan. Hindi natin sila dapat ikondena o hamakin ang pagkato sapagkat naniniwala akong mayroong hahatol sa ating lahat sa panahon ng paghuhukom, ang nag-iisang Creator ng lahat ng bagay.
Pacquiao said: “God only expects man and woman to be together and to be legally married, only if they are in love with each other.”
“It should not be of the same sex so as to adulterate the altar of matrimony, like in the days of Sodom of Gomorrah of Old,” he added.
The Examiner report also quoted Leviticus 20:13, which says, “If a man has sexual relations with a man as one does with a woman, both of them have done what is detestable. They are to be put to death; their blood will be on their own heads.”
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Maestro Orobia