HOW TRUE NA nagwagi si Manny Pacquiao ng apat na milyong piso?
Milyonaryo na, mas lalo pang nagging milyonaryo si Manny nang magwagi raw siya ng nasabing halaga nang maglaro siya recently sa isang casino sa Metro Manila. Hindi naman nasabi sa amin ng aming source kung sa anong game napanalunan ng Pambansang Kamao ang four million pesos.
Sa katuwaan nga raw ni Manny, nag-blowout siya sa shooting ng movie niya. Talagang umulan daw ng lafang kaya eat-to-death ang drama ng mga artista na kasama sa movie pati na siyempre ang buong production people. Galante naman talaga itong si Manny at hindi siya maramot. Ang dami raw pagkain at puro litsong manok ang nasa bawat table noong shooting. Pati nga ang mga close daw na staff and crew sa Pambansang Kamao ay nabigyan ng tig-P500.
Naitsika rin sa amin na naging recipient din daw ng kanyang generosity ang Philippine General Hospital. Kalat na kalat na nga raw sa buong PGH ang malaking donation ni Manny sa nasabing hospital.
Naikuwento rin sa amin na bongga pala ang entourage ni Manny. Binubuo ito ng sampung katao. Imagine, ten people ang bodyguard n’ya kahit saan man siya naroroon.
TOTOO BA’NG feeling big star na itong si Glaiza de Castro?
May request for pictorial ang isang magazine para kay Glaiza. Siyempre, excited ang aktres dahil malaking exposure rin iyon para sa kanya.
Okay na sa schedule, na-i-set na ito at pati ang concept ng pictorial ay approved na raw sa aktres. Nagkaproblema lang ng konti dahil hindi raw napagbigyan ang request ni Glaiza na ang isang batikang make-up artist na ang mag-make-up sa kanya. Wala kasing malaking badyet para sa make-up artist. Pero, napapayag na rin naman daw si Glaiza.
Nang dumating ang pictorial date, naghintay ang lahat kay Glaiza. Namuti na ang mata ng magazine staff sa pag-wait sa aktres-aktresan ay wala pa ito. Nang i-follow up, nawindang ang staff dahil biglang sinabi sa kanila na hindi available ang aktres.
Ano ‘yun? Hindi lang siya nasunod sa request niyang make-up artist ay hindi na niya sinipot ang pictorial. Eh, di sana nagpasabi na siya nang maaga nang hindi na naabala pa nang husto ang magazine staff sa paghihintay sa wala.
MARAMI NA RAW ang nagrereklamo ngayon na staff ng TV 5.
Parati raw kasing late ang suweldo ng mga tauhan ngayon ng nasabing istasyon. Hindi sila napapasuweldo sa tamang oras kaya ang iba ay imbudo na raw. Ito rin daw ang dahilan kung bakit marami na ang mababa na ang morale ngayon sa TV 5.
Say pa sa amin, madalas na pack-up ang taping ng ilang shows ng TV 5 dahil sa kakulangan sa pondo. Marami nga raw ang nakaistambay lang ngayon sa TV 5 compound waiting for their TV shows to tape again.
True ba itetch? Pakisagot nga!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas