Manny Pacquiao, malabong magretiro sa boxing ‘pag natalo kay Timothy Bradley

Manny Pacquiao, malabong magretiro sa boxing ‘pag natalo kay Timothy BradleySa nakaraang press tour ng kanyang asawa sa Amerika, halatang awe-struck si Jinkee Pacquiao sa inanunsiyo ni Pacman na huling laban na niya ito, his third bout against Timothy Bradley, Jr.

Thought balloon marahil ni Jinkee, “Inunahan pa ‘ko, ha? Ako nga ‘tong magreretiro na sa pulitika, eh.”

Bigla naming naisip na wala talagang kasing-suwerte ang eight-division boxing champ, he charts his own destiny. At kung gugustuhin niya, ‘yun ang mangyayari.

Sa mga survey sa early part ng January among the Top 12 senatorial bets, Manny Pacquiao is safe sa kanyang ikaanim na puwesto. Partida pa ‘yan as he has no single political ad na umeere.

And luck of lucks! Mukhang papasok pa siya sa Top 12 kahit sa halip na ilaan niya ang ilang buwan sa national campaign, hayun ang “retirement fighter” na abala sa pag-eensayo, restrategizing his sure-win game plan para nga naman sa kanyang pagtalikod sa boksing ay winner siya.

Pero teka, what if manaig ang kamao ni Bradley? Ituloy kaya ni Manny ang kanyang kasado nang retirement? And if and when he keeps his promise, with Jinkee as a political retiree (hindi pa man nag-iinit ang tumbong sa paglilingkod, magreretiro na!) ay paano na ang mga career nila?

In short, duda kami that Manny will turn his back on boxing kapag natalo siya! At ang twin scenario nito, the retiree no more is a house absentee again!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleIsko Moreno, mahihirapang makapasok sa Senado
Next articlePaco Arespacochaga, nagtatrabaho bilang security guard sa Jollibee sa Los Angeles, California

No posts to display