DAYS BEFORE the highly anticipated rematch nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. nitong April 13, Linggo (sa atin), nakaporma na sa Las Vegas ang dalawa sa pinakamakikinang na mga pangalan mula sa bulwagang pambalitaan ng GMA.
Ito’y sina Connie Sison at Mark Sambrano, who can pass for artistas themselves had they chosen to tread a different career path. Hindi sa kinukuwestiyon namin ang husay nina Connie at Mark.
As visually pleasant as they are, hindi matatawaran ang kanilang galing sa pag-uulat ng mga aktuwal na kaganapan sa anumang pangyayari. Live broadcast is not easy as it seems, pero panalo sa aspetong ito ang dalawa sa napakaraming TV reporters na talaga namang ipinagmamalaki ng News and Public Affairs ng Kapuso network.
Nakapagtataka lang kasi na wala sa coverage ng Pacquiao-Bradley rematch—before and after—ang nakasanayan nang nagbabato ng mga balita sa mga karaniwang pakikipagsagupa ng Pambansang Kamao.
Ang tinutukoy namin ay si Chino Trinidad who, we suppose, is not just an assigned sports reporter of GMA kundi naging isang malaking bahagi na ng buhay at tagumpay ni Manny through the years.
Hindi tuloy namin mapigilang mag-isip: did something go wrong with Manny and Chino?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III